ANONG GINAGAWA NILA NGAYON?
Kasagsagan na ng Mahal na Araw sa ating Lupang Hinirang...hmmmm masyadong malalim
Teka ano ano nga ba ang ginagawa natin noon at ngayon pag ganitong Mahal na Araw?
Noong bata pa ako sabi ng Lola ko bawal daw maligo pag Byernes Santo dahil magiging bato ka daw. Di ko sinunod si Lola kaya ayun naging bato ako... batugan...hahaha
Si Lola nagbabasa ng pasyon yan, kahit sya lang mag-isa, may naririnig pa ako na ibat ibang tono.
Excited kaming mag-pipinsan dahil pagdating ng Lingo ng Pagkabuhay ay may swimming kami. Mainam daw ang tubig pag ganitong araw dahil benditado.
Bawal daw maglaro dahil patay ang Diyos, maraming disgrasya at pag nagkasugat matagal gagaling.
Ngayon iba na nood n lang ng mga movies, laro ng mga games, chat at hinihintay ang Sabado de Glorya at Lingo ng Pagkabuhay dahil bukas na naman ang mga malls.
Pero ang hindi nawawala ay ang pagsisimba ng buo ang pamilya...