Ano kaya kung.... Siguro...

Minsan sa buhay natin di natin maiiwasan itanong sa sarili natin ang ANO KAYA KUNG... sabagay sagot ng SIGURO...
Sabi nga nila ang tao daw ang nagpapasya kung anong gusto nating mangyari sa buhay natin. Mali man or tama ang maging desisyon ko sa buhay ko anong pakielam mo e choice ko un! Yan ang madalas nating marinig sa ibang tao.
FREE WILL ika nga!
If ano at asan ka man ngayon un ay bunga ng desisyon na ginawa mo in the past. Minsan sa buhay natin dumarating ung time na need mong pumili or magdesisyon sa isang bagay na 100% makakapagpabago ng buhay mo. Pero naisip mo na ba if ano at asan ka kaya ngayon if mas pinili mo ung isa?
Although laging nasa huli ang pagsisi if ano man ung pinili mo panindigan mo. If maganda ang kinahinatnan, masaya at least masasabi mo sa lahat na TAMA ka ng piniling landas!
Libre din ang mangarap sabay tanong ng ANO KAYA KUNG... sabay sagot ulit ng SIGURO...
Umpisahan ko na...
ANO KAYA KUNG mas pinili kong kumuha ng nursing course nung college ako...
SIGURO nagwowork na ko ngayon sa HAMAD or sa LONDON or US at mas malaki ang kita.
or pwede ding NEGA
SIGURO nasa pinas ako ngayon at nagwowork sa isang public/private hospital or isa akong tambay ngayon sa bahay dahil sa di ako pumasa sa board! hahahahaha!
Hay buhay....