ano ang masasabi nyo?
may isang kaibigan ang nagtanong, hindi ko masagot, paki tulungan nyo naman ako, share your thoughts.
matagal na silang nag sasamang mag asawa, pero ang sabi ng babae ( kaibigan ko )napilitan lang daw ang asawa nya na pakasalan sya. sa tagal ng panahon tinanggap nya ang treatment ng asawa nya sa kanya na sobrang possesive, insecure at seloso. Dumating ang mga pagkakataon na napapahiya sya sa ibang tao dahil minsan ginagawa syang katawatawa, kahit sa mga anak nila pina lalabas ng lalaki na maraming pagkukulang ang wife nya pero ang totoo mas maraming pagkukulang ang lalaki.
Ginawa ng friend ko ang lahat para unawain si lalaki, at ang isipin na lang ay ang ikakabuti ng pamilya nila, pero dumadating ang time na napapagod na ang friend ko sa kakaunawa sa kanya dahil sa lahat ng ginagawa nya di sya na appreciate ng asawa nya bagkus sinasabihan pa sya na malas sa buhay nila.
ang tanong nya sa akin kung mahal daw ba kaya sya ng asawa nya.
ang sabi ng friend ko kahit minsan di nagluko ang asawa nya pero di daw nya maramdaman na mahal sya nito.
at pag tinatanong nya ang asawa nya kung mahal sya ang isinasagot palagi sa kanya ay wala naman daw syang naging ibang babae kundi ang friend ko.
Basehan ba ang pagiging one woman man ng isang lalaki para masabing mahal nga nya ang friend ko.?
ano ang masasabi nyo?