Ang Mangkok na Kahoy

blosgirl
By blosgirl

Share ko lang po...

Ang Mangkok na Kahoy
SAPOL Ni Jarius Bondoc

NAKUKUBA na si Itay sa katandaan nang makitira sa anak, ma­nugang na babae, at edad-4 na apo. Nanginginig ang kamay, nanlalabo ang paningin, nangangalos sa paglakad. Salu-salo sila sa mesa tuwing kainan.
Hirap ang matanda kumain dahil sa nginig ng kamay at labo ng mata. Nalalaglag ang kanin sa sahig, natatapon ang inumin sa mantel. Di nagtagal naubos na ang pasensiya ng anak at manu­ gang na babae sa kalat sa kainan. "Dapat gawan ng paraan si Itay," anila,
"di na namin kaya ang natatapong inumin, mai­ngay na pagkain, at kalat sa sahig." Naglagay ang mag-asawa ng maliit na mesita sa sulok. Doon mag-isang kumakain ang matanda, habang nasa hapag-kainan ang mag-anak. At dahil nakabasag na siya ng ilang plato, nilalagay ang pagkain niya sa isang mangkok na kahoy. Paminsan-minsan nililingon ng mag-anak si Tanda, at pa­min­san-minsan din ay may luhang namumuo sa gilid ng mata niya. Ganunpaman, ang maririnig lang mula sa mag-asawa ay maa­anghang na salita tuwing malalaglag niya ang kutsara o maka­kalat ang pagkain. Tahimik lang na pinagmamasdan lahat ito ng edad-4 na bata. Isang dapithapon, bago maghapunan, napansin ng ama ang bata na may pinaglalaruang retaso ng kahoy sa sahig. "Ano'ng ginagawa mo?" malambing niyang inu­sisa ang bata. At buong lambing din itong tumugon: "Guma­gawa po ako ng maliit na mangkok na kahoy para pakakainan ninyo ni Mama sa sulok kapag malaki na ako." Ang laki ng ngiti ng bata habang tinutuloy ang ginagawa. Parang batong tumama sa ulo ng mga magulang ang salita ng bata. Hindi sila nakakibo. Dumaloy lang ang luha sa kani­ lang pisngi. Wala nang usapan, pero batid na nila ang dapat gawin. Nang maghahapunan na, inakay ng mag-asawa si Itay paba­lik sa hapag-kainan. Sa lahat ng nalabing araw niya, doon na siya muli kumain, kasabay ng pamilya. At hindi na muli umangal ang mag-asawa tungkol sa nabibitawang kutsara, natatapon na inumin o nakakalat at mumo sa sahig.

"A small LEAK can sink a GREAT ship" by Benjamin Franklin

-end-

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.