ANG KAHALAGAHAN NG MAAYOS NG PAG-GASTOS NG REMITTANCES

nicaq25
By nicaq25

Ating napag-usapan noong mga nakaraang linggo ang kahalagahan ng remittances sa ating ekonomiya at sa pagpapatatag sa kinabukasan ng ating bansa. Lalo na at ang forecast ay tataas pa sa mga darating na panahon ang over-all remittances na matatanggap ng bansa. Subalit kung mahalaga ang papel ng OFW remittances para sa ating bansa, mas lalo itong mahalaga sa mga OFWs mismo at sa kanilang mga pamilya dito na silang mga direct beneficiaries nitong remittances. At ang kahalagahan nito ay lalong maappreciate ng ating mga OFWs kung ang bawat pamilya ay may sinusunod na plano kung paano ito gagastusin.

Mahalaga itong pagplano kung paano at kung saan gagastusin ang tinatangggap na remittances sapagkat ang pagdaloy nito sa pamilya ay hindi naman panghabang panahon. Ang remittances ay darating habang ang OFW ay may trabaho at nagtatrabaho habang nasa ibang bansa. Subalit ito ay daglian namang hihinto pag-nawala ang trabaho o di na makapagtrabaho ang OFW. Pag ito ay nangyari, paano na? Paano na ang kinabukasan lalo na ng mga anak na nag-aaral at hindi pa tapos sa mga kinukuhang kurso?

...Halimbawa ang pagkain, posibleng ma-manage natin ng maayos ang pag-gastos dito kung ating pagtuunan ng pansin ang mga healthier foods katulad ng mga gulay at isda na mas mura kaysa sa karne araw-araw. At kailangan ba talaga na tayo ay lalabas linggo-linggo bilang pamilya upang kumain sa magagarbong mga restaurant o mamamasyal sa mga mall at kumain sa mga fast food chains. Kung ito halimbawa ay ating ma-manage ng maayos, maliban sa hindi kalakihan ang ating gagastusin buwan-buwan sa pagkain posible pang mailayo natin sa pagkakasakit ang ating pamilya sa kinabukasan dulot ng pagkain ng sobrang matataba at mga processed foods na may mga chemicals at hindi mabuti sa kalusugan.

Ganoon din halimbawa sa pananamit. Imbes na ibili natin ang mga bata at tayo na rin ng mga signature items na napakamahal pwede naman siguro na mga ordinary brands na lang o kahit walang brand na clothing basta maayos. After all, ang personalidad na ating ipinapakita ay hindi naman nakadepende kung ang suot ba natin ay signature brands kundi kung ito ba ay disente at maayos.

...Hindi ko sinasabi na mali o hindi maganda ang mga ganitong gawain. Tama lang yan habang kaya natin. Subalit nais ko lang i-emphasize din ang kahalagahan ng tamang pag-gastos upang tayo naman ay magkakaroon din ng pagkakataon na makapag-ipon kahit papaano sapagkat hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. At ang isang mahalagang paraan upang makaipon ay ang pagkakaroon ng isang financial and family expenditure plan para sa remittances na ating natatanggap. At ang isang critical na punto dito lalo na sa pagdedesisyon kung ano ang pagkagastusan ay ang pag-alam ng kaibahan sa ating mga ”needs” o pangangailangan at sa ating mga ”wants” o kagustuhan.
http://www.abs-cbnnews.com/insights/03/27/10/alam-ba-ninyo-no-102-pat-st...

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.