Alaala ng unang uwi...
Matapos ang topic tungkol sa alala ng ating unang pag-dating sa abroad, balikan naman nating ang isa sa pinaka masayang yugto ng ating kontrata, ang bakasyon at pag uwi sa Pinas.
Nung unang uwi at bakasyon ko sa Pinas galing ako ng Saudi... Isang linggo bago ako bumalik ng Pinas, hindi na ako nakakatulog. Abala din sa pag handa ng aking "kartonite". Ewan ko pero nung araw 50 kilos yata ang allowed.
Pag dating sa Riyadh airport, halos wala na akong malay. 20 katao ang nag hatid sa akin, yung iba kasi gustong maki-ride sa feeling ng pa-uwi. Sa totoo lang, marami sa atin dalawang beses lang nakapunta ng airport sa loob ng ating kontrata dito. Sa Riyadh airport kasi, marami ka makikita Pinay kaya 10 dun sa nag hatid sa akin, nag girl-watching lang.
Papasok pa lang ng airspace ng Pinas, dama mo na ang saya. Pa-landing pa lang ang eroplano, nag-hihiyawan na ang mga pasahero. Karamihan nga nakatayo na at bitbit ang maleta habang pa-taxi ang eroplano. Habang ang mga stewardess ay walang sawang pinag sasabihan ang mga pasaway na excited bumaba ng eroplano.
Pag lapag sa NAIA, and dilim, ang iitim ng mga tao. Uso pa nun ang mga photographer na kukunan habang nag-lalakad sa arrival sabay singil ng $5. Ewan ko pero parang magic sa bilis nilang i-develop ang litrato mo. Pag dating mo sa baggage counter i-aabot na sa iyo ang foto mo at pilit kang pag babayarin. Pero syempre ngayon di na yun uubra, digital na eh. Lahat meron na camera phone.
Pag labas ng airport. Mainit, malagkit, pero masaya ang ingay at tunog kalye. Pakiramdam mo isa kang turista na natutuwa sa lahat ng nakita... unang una nyan ang mga chikas na nag-gagandahan. Paano ba naman sa Saudi eh talaga zero balance ka hehehe.
Pag dating sa bahay, matapos ang mabilis na kamustahan ng mga kamag-anak, parang silang mga commando na nag surgical strik sa balikbayan box mo. Sa isang iglap, biglang bumango ang kabahayan sa halimuyak ng "Dove" soap at iba pang gamit.
Para sa mga single, nag-tuos sila agad ni San Miguel at nag pakasawa sa sinigang na babskee. Doon naman sa may mga asawa, haaay, sigurado ako ang saya saya ng gabi nyo!
Sa loob ng isang linggo pag kakadating mo, parang ang tagal umusad ng oras. Mararamdaman mo na lang na pabalik ka na ng abroad kapag wala ka ng madukot na dolyar sa bulsa. Yung iba, na-ngutang nalang kasi okay lang, may "re-entry" naman at kikita na naman pag balik abroad.
Inihatid ka na sa airport. Malungkot. Lalo na nung boarding na, sakay ka na sa SV867 Manila-Riyadh. Pag lipad pa lang ng eroplano, homesick mode ka na agad. Lalo na pag natapat ka sa window seat at kita mo ang pag laho ng Pinas sa iyong bintana.
Kayo, ano ang kwento nyo?