Advise please

Meron po akong kakilala na masyadong dismayado sa kumpanyang kanyang pinapasukan sa kadahilanang nitong nakaraan buwan ng hulyo ay lumabas na ang pinakahihintay nilang lahat (empleyado) na sulat tungkol sa dagdag sahod at bonus ngunit, hindi lahat ay pinalad na mabigyan. Ngayon, ito po ang senaryo. sa kanilang main office bukod tangi sa department nila (Finance)ay 6 lang silang wala natanggap (9 silang lahat sa depart)ung 2 ay merong 1 buwan sahod na bonus ung 1 ay dagdag sahod. In short, halos lahat ay meron tinanggap it's either dagdag sahod, bonus or both. Sa pakiramdam nya ay me pulitikang nangyari dahil ung 2 sa kanang kamay ng kanilang Gen. Manager ay hindi pabor sa palakad ng Finance Manager, lagi silang hinahanapan ng butas. Malamang ay may kinalaman ung 2 yun sa nangyari dahil yun lang naman ang pinakikinggan ng Gen. Manager nila. Tapos, ung manager naman nila ay di man lang maipaliwanag kung bakit di sila nakasama sa nakatanggap.
Sa palagay nyo, okay lang ba na i-approach nya ang Gen. Manager nila kung ano ang dahilan ng sa ganun ay maiwasan o pagbutihin pa nila ang kanilang trabaho ng sa gayon ay siguradong meron silang matatanggap next year or keep silent and see for next year what will happen.
Salamat sa payo....