2 pangyayari...
Sa aking pagpasok ngayong araw may dalawang pangyayari...
Una: Nasa middle lane ako paglagpas ko sa road camera merong isang mabilis na land cruiser sa 3rd lane at pagtingin ko sa side mirror nag-flash yung camera 100KPH ang speed limit at nasa 80KPH lang ako. Posible bang magka-violation ako kung andun din sa litrato ang sasakyan ko?
Pangalawa: Pagpasok ko sa elevator kanina may pera sa baba mag-isa lang ako kasi medyo napaaga ang pasok ko wala namang CCTV sa elevator kaya dinampot ko. Magkano??? Di ko binilang pero may asul sa harapan. Kakatawag ko lang sa reception ng bldg at sabi niya kung may mag-claim daw ay tatawagan ako.
Nakapulot na ba kayong pera o nawalan na, anong ginawa nyo?