Pag kuha ng Affidavit of support sa ating Embahada
Last year noong kumuha ako ng affidavit of support para sa mum ko, salary certificate lang ng asawa ko ang kailangan.
NGayon, kailangan yung salary certificate sabi sa ating Embahada, kailangan may stamp daw sa MOFA.
2 sa mga kaibigan ko ang nag punta kanina sa MOFA dala ang Salary certificate ng kanilang asawa. Ang sabi sa isang kaibigan ko hindi daw ang HR ang pipirma sa salary certificate. So, kailangan nya ulit bumalik sa MOFA dala ang salary cert. na yung 3 nabanggit lang nag wowork sa company ng asawa nya ang pwedeng pumirma.
Sinamahan ko naman ang kaibigan ko kanina sa MOFA, dala ang salary certificate ng kanyang asawa. ayaw naman lagyan ng stamp kasi sa company daw yung salary certificate, kasi my letter head ng company, yung salary certificate. kailangan daw kami mag punta sa chamber of commerce and industry. so, nagpunta kami sa nabanggit na lugar. pag dating doon ayaw naman nila kasi sa MOFA daw muna.
NAKAKAINIS ANG ating EMBAHADA!!! panay ang tawag ko pra mag tanong wlang sumasagot sa phone. NG may sumagot sinabi ko yung nangyarri sa kaibigan ko. sabi ng sumagot sana ung ung certificate walang letter head para daw hindi sa company at lagayan ng stamp ng MOFA.
kapag ibang lahi daw kasi ang sponsor kailangan yung salary certificate may stamp ng MOFA.