Relasyong BFF nga ba talaga? (pina-post lang po)

chevydjak
By chevydjak

Participants: chevydjak and loliec
loliec
12 Apr 2011 - 09:59 New
Hello Chevy,

ito un ipapost ko sana sa u. kung ok lang. Thanks.

Ito po ang kwento ko na ipapasuyong kong ipapost sa isang member nyo. Di ako member ng QL at kakasign-up ko lang. pero matagal na akong nagbabasa ng mga forums nyo rito. Kagagaling ko lang ng bakasyon at syempre maraming dalang balita galing sa mga kaibigan at kapamilya. Ito ang isang kwento ng kaibigan ko. Ang kanyang BF ay andito sa Qatar at kelan lang nagbakasyon. Na-open ng kaibigan ko na parang may ininilihim ang kanyang BF, nararamdaman at napapansin daw nya sa mga kilos nito. Nag-aalala sya kasi engaged to be married na sila at naglilive-in na and kasal na lang ang kulang. Sabi nya pagbalik ko daw baka naman pwedeng i-check ko ang sitwasyon ng BF nya. Syempre, kahit ako nag-alala din kasi kilala ko rin ang guy. Sa bahay na tinitirhan ng guy ay may kababayan ako at katoto ko rin. Since, malayo ang tinitirhan ko sa kanila nag-chat kami ni katoto ko para makakuha ng impormasyon. At ang nasagap kong impormasyon ay mukhang totong hinala ng kaibigan ko. Ito un, sa bahay na iyon, ang BF ng kaibigan ko ay may BFF (Best Friend Forever) din daw na girl, na dun din nakatira. Ask ko si katoto kung bakit naman nasabi nyang BFF yong dalawa. Kasi daw un ang pakilala nila sa mga kasambahay nila at sa mga taong kakilala nila. Dahil alam ng girl na committed na si guy. Ah, ok sabi ko BFF lang pala e, alang masama. Pero sabi ni katoto napaka-obvious daw nung dalawa, magkasama palagi sa pasyalan, sa groceries at kahit gabi daw lalabas ang dalawa para kumain. Share sa pagkain at pati sa paglalaba at pamamalantsa ng damit, kulang na lang pati bedroom mag-share sila. Gosh! Friendship ba ang tawag don? Then, ask ko ulit si katoto kung may katotohanan ba ang sinasabi nya, send nya sa kin mga pics nila sa beach, magkatabi pa ang dalawa . In fairness, matangkad at maputi ang girl, (pero mas maganda ang friend ko sa kanya). At di pa nakuntento binisita ko si katoto at nameet ko rin si girl, hehehe. Spy to the max ang papel ko. Magka-facebook pala si katoto, si guy at si friendship. Pero alang binabanggit si katoto kay friend ko sa mga activities ni guy. Kung di lang kinulit ko si katoto di ito nag-kwento sa akin. But lately, na blocked si katoto sa FB ni guy, kutob ni katoto dahil siguro sa minsang pag-comment ni katoto kay friend ko na medyo may mensaheng dapat ipaabot sa friend ko. Na-sense siguro ni guy kaya “blocked” si katoto.

Naku naman! Naawa ako kay friend ko nagmumukha syang tanga sa nagyayari. Sino ba ang dapat na babatukan dito para matauhan si guy o si girl? Basta ako hinahatulan ko si girl ng kulay pula kasi alam na nya na committed na si guy e dikit pa rin sya ng dikit. Ano ang tawag don? M----di? O talagang m-----l lang ang mukha?

Kaya kung sakali mang nagbabasa ang girl dito sa QL, ito lang ang masasabi ko sa kanya, “maghanap ka ng totoong binata na lubusang kilalanin ka at ipakilala na ikaw ang tunay na mahal at nag-iisang babae sa buhay nya, di ung ipakikilalang BFF ka lang. Mukha ka pa naman mahinhin, sa loob pala ang kulo.”

Ngayon ito ako nalilito, ano ba dapat kung gawin.? Kelangan ko bang sabihin sa friend ko ang nagyayari , o hayaan ko na lang na sya ang makadiskubre? Ayoko namang ako ang pagmulan ng away nila. Hayy, buhay…

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.