Tangkilikin ang serbisyo ng pinoy..?
Pumunta ang isang kabayan sa isang sikat na car service center along Salwa road. Paminsan-minsan sya pumupunta dun para sa car wash at magtingin-tingin sa car shop.
Sa tire center, maraming pinoy na nagtatrabaho. Napadaan si kabayan dun. Kinausap sya ng mga pinoy at sabay udyok at kantyaw na ipacheck yun ilaw ng sasakyan nya. Si kabayan nman palibhasa'y babae ay naengganyo dahil kailangan na rin i-renew ang sasakyan nya at subject for inspection ito. Tanong nya sa mga kabayan, 'mura lang ba o baka mahal'? Sagot naman ng pinoy, "tingnan natin miss".
Dahil bagong pintura ang bumper ng car, pagtingin ni pinoy "ay naku nahilamusan ang ilaw ng car mo.. di yan papasa.. kelangan linisin" si babae nmn, medyo nagalala sabay payag na palinisin ang head light.
Si pinoy nmn, kuha ng liha at tubig, kiskis dito, kiskis doon sa headlight... tapos kuha ng pamahid na panglinis ng headlight.. then saka nagbrush at punas. Nagfog pa ang loob ng headlight. Inabot ng mga 5-8 minuto lang naman ang ginawa ni pinoy.
Dumating ang friend ni babae na lahing europa. Hintay-hintay sa ginagawa sa car. Dahil nagmamadali na ang dalawa para sa lakad nila. Nagtanong n si babae sa pinoy kung magkano ang presyo ng paglilinis ng headlight ng car nya.
Sabi ni pinoy, miss QAR100 nalang. "What!" sabi ni babae.. "Nagbibiro ka ba kabayan?"... sabi ni pinoy.. "miss isangdaan nga" nagtanong ang friend ng babae, nun nalaman sabay sabi "Crazy!"... humirit tuloy si pinoy na sige miss singkwenta nalang...
kahit sa tingin ng babae na mahal parin ang Qar50 riyal sa paglilinis lng ng headlight.. ibinigay nalang din nya ito dahil kinaawaan nalang nya ang kapwa kabayan.
======
Nakakalungkot isipin na mismong sa kabayan pa nagiging mapagsamatala kung minsan ang kapwa natin kabayan. Bagaman maganda at maayos magserbisyo o gumawa ang pinoy, kung ganito palagi ang nagiging asal, paano mo pa sila tatangkilikin? hay buhay...