Classified Ads...Kabayan.
Napapansin ko lang tuwing tumitingin ako ng classified ads... iba't ibang uri ng ating kabayan ang nakikita ko. (I'll be more specific to kabayans)
Merong me magagandang trabaho sa pinas such as manager, engineer, nurse at kung anu-ano pang posisyon na nag-aaplay sa mas mababang posisyon...tulad ng secretary, admin. asst, receptionist, transcriptionist...
Hindi ko na itatanong kung bakit...kasi alam ko naman kung bakit.
Ang tanong ko lang...bakit pag natanggap sila sa posisyong mas mababa kaysa sa trabaho nila sa pinas eh puro sila reklamo? Eh sila naman ang nag-applay di ba, at umagree sila sa sweldo o sa terms & condition ng company nuong interview nila at nabasa naman cguro nila ang kontrata bago nila pirmahan...natanong ko lang kasi nakakarindi sa tenga...pag ka-kwentuhan mo tapos...kesyo ganito...kesyo ganyan...di ba dapat maging masaya ka dahil me trabaho ka?
Syempre exception to the rule yung di nagpapasahod, sexual harassment, or kung anu-ano pang foul sa batas...pero kung katamaran ng kasama, paboss boss ang ibang lahi or masungit ang amo...lahat ata ng company sa gulf ganyan...
Anu nga bang dahilan ng pagmamarakulyo ng karamihan sa atin at puro tau reklamo...to be honest...sinasabi sa kin ng mga kilala kong ibang lahi, nkakatakot n daw maghire ng pinoy...dahil konting kibot, increase...pag di naibigay resign...(ang nagsabi pala nito is ung boss kong canadian dati)... di ba ang increase is up to the employer? hindi hinihingi at kusang ibinibigay?
Na-i-share ko lang...baka kasi napapansin nyo din.