Dahil sa inang maysakit, nagawa nya 'to (?) - PART 2 the verdict!
OFW umaming guilty sa pagnanakaw
(Aries Cano)
Hinatulang makulong ng tatlong buwan ng Dubai Court of First Instance ang isang Filipino salesman na umaming nagnakaw ng halagang Dh15,000 sa kanyang pinagtatrabahuhan upang matulungan at matustusan ang pangangailangan ng maysakit nitong ina.
Matapos na bunuin ang iginawad na sentensya, ipinag-utos din ng Court of First Instance ng Dubai na ipa-deport ang 36-taong gulang na Pinoy na may inisyal na A. J.
“What I did was wrong and I am sorry for that but I plead for mercy because I needed the money to help my bed-ridden mother,” depensa ng naturang Pinoy kasabay ng pagharap nito sa korte.
Nabatid na ang Filipino worker ay kinasuhan matapos umanong mangulimbat ng halagang Dh15,000 mula sa pinagtatrabahuhang gift shop sa loob ng isang mall sa Deira, Dubai.
“I am guilty and I am very sorry for what I did,” pahayag pa ni A.J.