PAGDIRIWANG NG IKA-111 KASARINLAN NG BANSANG PILIPINAS
Mga minamahal na Kababayan sa Qatar,
Sa nalalapit na pagdiriwang ng ating Kasarinlan (Independence Day) sa Hunyo 12, 2009, ang Philippine Independence Organizing Committee (PINOC 2009) ay naghahanda ng isang pagdiriwang ng mga Pinoy sa Doha, Qatar.
Ang pangunahing Iayunin ng pagdiriwang na ito ay:
1. Pag-alala at pag-gunita sa unang kapahayagan ng ating “Kasarinlan”.
2. Bigyan ng kasiyahan ang lahat ng Pilipino sa Qatar sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa.
3. I-angat ang Pinoy sa mata ng ibang-lahi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating maipagmamalaking kultura, musika, at kalikasan.
4. Ipahayag ang mga matatagumpay na Pilipino sa lahat ng antas na naki-bahagi sa pagbuo ng ating host Country, ang bansang Qatar.
Bilang pauna sa mga programa, magkakaroon p0 tayo ng pampublikong paglilingkod (Community service) sa pamamagitan ng Beach Clean-up. Ito po ay gaganapin sa Hunyo 5,2009. Lahat P0 ay inaanyayahan na makibahagi upang maipakita natin sa lahat na ang mga Pilipino ay mga kapakipakinabang.
Upang kayo po ay laging napag-aalaman, inaanyayahan p0 ang lahat na makipagtalastasan sa Yahoo Group —
PINOC2009 http ://groups.yahoo. com/group/pinoc2009/
Ang PINOC 2009 ay binubuo p0 ng iba’t ibang samahan ng mga Pinoy sa Qatar na pawang may mga Iayunin para sa kapakanan ng mga Pilipino. Ang bawa’t Pilipino P0 ay hinihikayat na makibahagi sa ano mang paraan upang maisakatuparan nating lahat ang ganitong okasyon na maari nating ipagmalaki. Sa araw p0 ng Hunyo,12, 2009 ay samasama nating isigaw ng may pagmamalaki na “AKO AY PILIPINO!!!”.
Angat ang Pinoy! Kaya natin ito. Maasahan p0 ba namin kayo?
Sumasa-inyo p0,
Willie de los Santos - (MBP)
Chairman, PINOC 2009
Doha, Qatar
Tel: 4427809/ 5863899; Fax: 4831595 ; E-mail Address: [email protected]
PINOC 2009 organized by: MBP, ASPQAA, SRB, FNAQ, PICPA, UFAQ, AP0, Infinity Events, FFWW, ACO, OPSC, MO, PHASE, OP/-A C, R.U.G.B.I.