TAPAT KA BANG ASAWA?
After ng TAWAG NG LAMAN na naging blockbuster, pinag-usapan, pinag-awayan, nagpasaringan at napagkwentuhan eto na naman ang isang artikulo na para bagang karugtong ng init este ng talakayan sa binanggit na usapin... go go umpisahan uli ang mga kumento, argumento at kung ano-anong ento (LOL)
parang nabuhayan ka yata ng dugo kung sex ang isyu. Good for you. Know what? ayon sa balita, “a beautiful mind is thinking sex every 58 seconds." Wow! Meaning, you are have a beautiful mind now while reading my article because today we will talk about the sex life among OFW’s.
Paano nga ba naman ang sex life ng isang OFW lalo na’t hindi mo naman kasama ang iyong kabiyak? How can you survive and deal with it? Ayon sa sensus, 80% among OFW’s ang nagkakaroon ng sexual relationship na minsan nagiging daan para masira ang pamilya. Isa ka ba sa kanila kabayan? Think again.
I can still remember yung article ni Kabsat Ruel B., na “Pag-ibig hanggang Ben-Gurion"- which absolutely means na hanggang Israel lang talaga ang relasyon nila dahil karamihan ay babalikan ang sari-sariling pamilya.
Looking back sa ating kultura, medyo konserbatibo ang kinagisnan nating kaisipan, it’s like hindi natin basta binabanggit ang mga private parts kung tayo‘y nakikisalamuha. For example, vagina, penis, testes. Subukan mong banggitin ‘yan sa sarili nating wika, hindi ba’t nalaswaan ka? Pero kung wikang Ingles, hindi naman o parang sosyal lang pakinggan. What am trying to drive is that, kung papaano tayo nagiging sensitibo sa mga pagbanggit sa mga bagay na ‘yan, ganun din sana sa gawain mo. Lalo na tungo sa pakikiapid o nakikipagtalik gayong hindi mo naman siya asawa.
Naalala ko yung una kong amo na purong Hebrew, palibhasa hindi pa ako bihasa sa linggwahe nila, sabi n‘ya…“Yoseff, ata rotze ukel?" Bigla akong nagulat..alam ko yung “ata rotze" (you like). Ang problema, hindi ko alam kung ano yung “ukel“…kaya ang sabi ko, “Lo, lo tov ukel". Malay ko kung yung ukel ba sa Ilocano at Hebrew ay magkapareho? Then, nagkaroon ng interpreter, ang ukel pala ay food, pagkain. Malay ko ba, ang ukel pala sa kanila ay pagkain. Pero ang alam kong ukel, ‘yong tinitikman lang yata at hindi kinakain. Tawa ka d’yan. Kaya nga ayokong matuto ng Hebrew dahil parang malaswang pakinggan yung iba.
Ok, going back sa ating usapan na “having a beautiful mind," unang tanong sa OFW: “Ngayong nasa Israel ka na, sino ang kabit, motek mo?"
Uso daw sa isang OFW ang may kabit, hindi na raw maikakaila. Although hindi po sa nilalahat, marami pa rin naman ang matitino. Tutal ikaw lang naman ang nakakaalam n’yan at yung bespren mo na iyong pinagkakatiwalaan. Wala ngang lihim na hindi nabubunyag, kung nai-tsismis ka nga lang na mayroon kang kabit, galit na galit ka, (kahit meron) toinks! Why, galit ka dahil ayaw mong madungisan ang iyong pakata? O kaya, nagagalit ka dahil baka malalaman ng pamilya mo sa Pilipinas? Masakit mang aminin, ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa hindi asawa, para sa iba ay napakadaling gawin. Parang namimigay ka lang ng biskwit, parang nagpapatikim ka lang ng pinya o dili kaya’y para ka lang namimigay ng ice buko. Ganyan ba ang pagtingin mo sa iyong sekswal na pangangailangan? Ok daw, basta makaraos lang.
Pero dapat maging matalino ka sa lahat ng bagay lalo na’t hindi na iniisip ang epekto ng ginawa mo. “Mind over anything" ika nga… esep-esep. Huwag kang padadala sa iyong emosyon. Kung tawag ng tukso ay nadyan remember this, “If temptation comes, it’s the best time to do good!"
Ngayon, ano ang sagot mo sa tanong na, “sino ang kabit mo?"
Hiwalayan n’yo na po habang may pagkakataon pang magbago. Live a life anew. Kung talaga namang wala kang kabit, mazal tov kabayan ko, huwag gagawa kung alam mong magiging daan ‘yan sa kasiraan ng pamilya mo na naging inspirasyon mo sa pagtahak ng bansang ito. Isipin lagi ang mga anak na iniwanan mo at higit sa lahat, ang asawa mo!
Pangalawang tanong: Ano ang epekto ng pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa kabit?
Marami. Una, apektado ang buong pamilya mo, pati mga anak mo. Lahat magagalit sa pinagkakagawa mo. Higit sa lahat, hindi mo natupad ang iyong sinumpaan sa Diyos noong iniharap mo sa dambana ang sarili mong asawa at pagdating nga sa Israel, nagkaroon ka ng substitute, reliever sa kama? Lagot ka! (Itutuloy) - GMANews.TV
Yoseff Siador