Mga Pamahiin

kurtercy
By kurtercy

Mga Pamahiin

Filipino Superstitious Beliefs

Pamahiin is the Tagalog word for superstitious belief or
superstition. Superstitious belief, or superstition is the irrational belief than on object, or action, will influence the result of an event although the object, or action, and the event are totally unrelated.

Filipino, by their culture, are strongly superstitious. Marami tayong mga pamahiin. Our pamahiin encompasses a broad spectrum of our daily activities that influences the way be think, behave, or react to an event. - from birth, wedding, and even death.

We will examine the different Filipino superstitious beliefs, superstition, or mga pamahiin.

so add kayo alam nyo pang pamahiin

1. Pagtulog at Pananaginip (Sleeping and Dreaming)

Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng
pagbaligtad ng iyong unan. (Avoid recurring dreams by
turning your pillow upside down.)

Laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay
hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan.
(Always sleep facing east, or you will not face a bright future.)

Kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging palatandain.
(If a person sleeps on her book, she will have a good
memory.)

Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong
pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili
ang iyong pinag-aralan sa iyong isip. (After studying at night, place the book you've been studying under your
pillow, and you will retain what you have read.)

2. Kapag Gabi Na (When Night Falls)

Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan.
(Cry at night and you will be happy tomorrow.)

Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka
ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung
kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin
mo muna ang dulo ng suklay. (Don't comb your hair at
night, lest you become bald, orphaned, or widowed. But
if you must comb at night, bite the tip of the comb
first.)

Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na
sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang
grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang
inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga
espritu upang gawing pantay ang bilang. (When walking
with friends, especially at night, always travel as a
group of even number. If it is an odd number, one of
you will be taken away by the spirits to make the
number even.)

Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa
sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at
isuot ng mga dwende. (Washed clothes should be taken
fromt he clothesline at night, lest they be stolen and
worn by dwarfs.)

3. Sa Ilang Mga Araw (In Some Days)

Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng
Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon.
(Whatever you do or feel on New Year's Day will
continue the rest of the year.)

Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa
halip na gastusin ito. (Better to find money on New
Year's Day than spend it.)

Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay
magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang
tao. (Jumping on Easter morning hastens growth and
makes a person taller.)

Kapag tumunog ang kampana sa Lingo ng Pagkabuhay,
sumigaw ng napakalakas at ikaw ay magkakaroon ng
mahabang buhay. (When the bells ring on Easter Sunday,
shout at the top of your lungs and you will have a long
life.)

4. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts)

Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung
hindi ikaw ay siguradong matatalo. (Don't gamble if
you've just had a haircut, for you are certain to lose.)

Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa
halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung
sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-
ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng
singko sentimos. (Never give a pair of shoes away for
free. Either throw up the shoes up int he air and let
the prospective owner pick them up, or let him or her
buy it for five centavos.)

Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging
bobo. (Don't seat on books, or you will be dumb.)

Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit. (Before throwing hot water onto the ground, give a warning to the elves. When harmed, they may retaliate by making you sick.)

Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu. (Before stepping on an anthill, first ask to be excused. Otherwise, a spirit may play tricks on you.)

Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon. (Carry a piece of ginger on your body when you visit a place not frequented by others, so that the evil spirits of that place will not harm you.)

Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon. (If you walk int he forest, rub your feet with garlic to prevent animals from harming you.)

Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto. (Do not harm or cut down a balete tree, because it is a dwelling place of fairies and enchancted spirits.)

Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit. (Don't whistle or sing in the forest, lest the enchanted spirits imitate you and cause to fall ill.)

Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo. (If someone sneezes while you are about to leave your house, postpone your trip or something bad will happen to you.)

Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos. (To overcome stage fright when speaking in public, tuck one-centavo coin inside the shoes you are wearing.)

Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes. (Don't cut your nails at night, or on Tuesdays, Wednesdays, or Fridays.)

Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan. (If you happen to get lost, invert your clothes and you will find your way.)

Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran. (To prevent rain, take ashes from the kitchen and spread them over your yard.)

Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang manakit ng mga tao. (Don't go out on Holy Thursday and Good Friday, for evil fairies are roaming around to hurt people.)

5. Kailan Di Dapat Maligo (When Not to Take a Bath or Shower)

Huwag maliligo sa araw ng Biyernes (Don't take a bath on a Friday.)

Huwag maliligo sa hapon. (Don't take a bath in the afternoon.)

Huwag maliligo sa gabi. (Don't take a bath in the evening.)

Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan. (Don't take a bath on the first Friday of the month.)

Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo. (Don't take a bath on a Good Friday.)

Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon. (Don't take a bath on New Year's Day.)

Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro. (Don't take a bath on the feast day of St. Lazarus.)

Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan. (Don't take a bath on the thirteenth day of the month.)

Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom. (Don't take a bath when you are hungry.)

Huwag maliligo matapos kumain. (Don't take a bath after eating.)

Huwag maliligo bago magsugal. (Don't take a bath before gambling.)

Huwag maliligo pagkatapos magsimba. (Don't take a bath after going to church.)

Huwag maliligo sa kapag may bahag-hari. (Don't take a bath when there is a rainbow.)

Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan. (Don't take a bath during a full moon.)

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.