Mga kabayan, kelangan po tulong tungkol sa RP..
Mabuhay mga Kabayan. Ako po ay dumating dito sa Qatar nung September 20, 2007 kasama ko po ang aking 9 months na anak under visit visa (husband sponsor). Napakasaya po namin bilang isang pamilya na magkasama sama dito sa Qatar at makita po na lumalaki ang anak ko na kasama ang kanyang mga magulang na hindi ko po naranasan nung bata pa ako dahil nag-aabroad din po ang tatay ko nuong mga panahong iyon. Hanggang ngayon po ay naka visit visa pa din kami at nais po sana namin magkasama sama dito at mag-apply ng RP. Ano po ba ang mga kelangan para po makakuha nito? At nais ko din po sanang makatulong sa asawa ko na maghanap buhay dito sa Qatar. Maraming salamat po sa inyong tulong.. God bless po..