NBI CLEARANCE AT PHIL EMBASSY
Mga Kababayan ... Pumunta po sa Phil. Embassy yung kaibigan ko para humingi ng TULONG na makakuha ng NBI Clearance sa kadahilanan kailangan niya para sa VISA hindi siya nakakuha nito bago umalis ng bansang Pilipinas. Pagdating ng Phil Embassy ay binigyan siya ng FORM para i FILL up/finger print at pagkatapos ay ipadala niya daw sa PINAS at iutos sa kamag anak para makakuha ng NBI CLEARANCE at babalik ulit sa PHIL embassy dito para lagyan ng STAMP Authentication. GANUN lang po kadali pala .......napaka simple di mo na kailangang umuwi pa ng PINAS.
PERO sandali lang po hindi po siya natuwa sa ganung proseso, kasi alam niyo naman na walang libre dito di ba? Alam niyo ba kung magkano ang bayad dun sa FORM na ibinigay??? 100 riyals lang po sa kapirasong papel ordinary at di siya gold plated... at pagkatapos niyo pong i FILL up kayo pa rin magpapadala sa Pinas by courier at pabalik uli dito .. den babalik uli kayo sa Phil Embassy at tatakan ng ink(seal) di po libre yun 100 riyals po ulit yun.ganun lang po ka simple pala sa halagang 200 riyals ...(FORM at STAMP lang)na napakalaki na po lalo na bumaba na po ang palitan ng riyals sa PISO Sa palagay niyo po ba ay makatuwirang singilin ka ng ganung halaga? Sobra na.....