sino po ba ang malakas talaga kumain, babae o lalaki
sabi po ng nanay ko noong maliit pa kami, kami daw pong limang lalaking magkakapatid at dalawang babae (di ko na po ilalagay ang ibang anak ng tatay sa ibang babae) ay napakalalakas kumain. tumatanggi ang dalawang kapatid ko na babae sa salitang iyon ng aming martir na ina (buhay pa po sya)di daw sila malakas kumain na dalawa.
naglakihan na kami at nagkaasawa ang lahat. napapansin ko sa bawat reunion o simpleng samahan, pamagat lamang ang mga lalaki ang malakas kumain.
ang dalaga pag di pa vibes ang kasama sa restaurant may kunwaring natitira pa sa pinggan. subukan mo na ang kasama ay kapatid o kapamilya, nangaagaw pa ng pagkain ng iba. lalo naman sa bahay. nakataas pa ang kamay at nagkakamay kumain.
ang lalaki kakain ng maramihan at minsan lang. ang babae lalo na kung may asawa at anak na, kahit dalaga pala, kakain ng madami, maya't maya pa may dala sa platito o kaya kinakamay na. pwera pa ang mga himagas noon.
sa palagay ninyo sino ang malakas kumain talaga, lalaki o babae?