SALAMAT!!! SALAMAT!!! MULA SA AKING PUSO

buntsokoy_rich
By buntsokoy_rich

SALAMAT!!! SALAMAT!!! SALAMAT!!!
nasasambit ng aking bibig mula sa kaibuturan ng aking PUSO na nagsusumamo sa kagalakan na inyong ipinadama sa akin cmula ng aking kalbaryo sa bansang d ko alam paano ko maalpasan ang lahat ng mga problema.
SALAMAT kase akoy itinuring nyong kapatid, anak-anakan, kaibigan at kakilala bilang isang kapwa PINOY bagkus bilang kapwa TAO na nagkakamali, nasasaktan at nadudurog din ang puso.
SALAMAT kase kau din ang gumabay sa akin para sa ikabubuti, ikagagaan at ikagaganda ng aking pamumuhay d man maayo at mahirap atleast anjan kau para bigyan ako ng isang matatamis na salita at payong kaibigan kung paano ulit ako babangon sa kinalugmukan kong kumunoy na kung saan akoy baon na baon at lugmok na sa kahirapan ng kalooban.
SALAMAT sa lahat-lahat sa mga tulong, mga payong kapatid, sa mga CHALLENGES at iba pang hamon sa aking buhay.

kayo ang nagsilbing pangalawa kong pamilya na nagturo sa akin paano maging masaya habang humaharap sa aking mga problema, nagpasigla at nagbigay ng gabay sa akin habang ako'y nasa kasagsagan ng kasakitang walang humpay at aking tiniis ang mga gutom (kawalang gana dahil sa kinakaharap na pasakit sa buhay), hirap, walang humpay na panaghoy at kawalang pag-asa SALAMAT kase inyo lahat itong binigyang katuparan at akoy inagapayan sa bawat sandaling kau ay aking kapiling.

SALAMAT SALAMAT SALAMAT
ngyn ay kau mga itinuring kong pangalawang pamilya na naging aking kaibigan, kapatid, nanay-nanayan, tatay-tatayan at kapwa PINOY na aking nakilala, kau ang naging silbing ilaw para harapin ko ulit ang bagong buhay, kamtin ang bagong biyaya mula sa itaas, dinggin ang panibagong hamon sa aking buhay at magsimulang muli para makamit ang pangarap na minimithi.

MULA sa kaibuturan ng aking PUSO, mula sa aking PAMILYA, MALUGOD KONG PINASASALAMATAN ANG QL FILEXPAT sa pamumuno ng mga ADMINS MS.O, Mami Tatess, QatarIDOLS, Kua North, Fiery, Ms. Celia at sa PAMILYA ni Sir TREYSDAD na walang sawang umagapay sa akin cmula't cmula pa lamang. Bowlers21, mamita na walang sawang tumutulong sa akin mga salita nila'y aking nagsilbing buhay para humarap sa panibagong buhay, Ms. Gab at Ms. Joyce na kung saan sumagip sa aking panaghoy sa kasagsagan na aking paghihirap. ms. jozil, bluboi, kinimoto at sa mga TAONG walang sawang nagsilbing aking mga tali ng ako'y nahulog sa balong malalim na halos cla ang mga nagpipilit na maakyat ko ang pinakatuktuk at gamutin ang sugat sanhi ng aking pagkabagsak sa balong malalim, d ko man mabanggit ang mga pangalan nyo pero kilala nyo ang mga sarili nyo kung cno-cno kau at NAGAGALAK akong pasalamatan kau dahil isa kaung TAO na d dpat kalimutan at bigyan ng pansin, Sana sa pagkakataong ito hayaan nyong ibigay ko sa inyo ang SALITANG ito dahil kayo'y karapat-dapat na PASALAMATAN.

D ko man sabihin sa inyo pero sa aking palagay inyong nararamdaman ang kasiyahan na aking natatamasa ngyn kapiling ang aking pamilya at nalayo sa bangungut ng kahapon, muling haharapin ang panibagong hamon sa buhay at magsimulang muli para sa susunod pang kabanata ng aking buhay.

SA MGA TUMULONG SA AKIN.....
MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!

GOD BLESS & MORE POWER QL FILEXPAT.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.