Pinabayaan na.huh
By dyonski on Tue, 20/10/2009 - 4:27pm
Ginahasang OFW sa Saudi walang tumutulong
Bigo pa rin umanong makaamot ng tulong at kahit na pampapalit na damit ay wala pa ring natatanggap ang Filipina worker na ginahasa na’y ikunulong pa matapos akusahan na nanghimasok ito sa bawal na relasyon sa Saudi Arabia.
“‘Sir, my sister was able to call my mother in the Philippines the other day saying until now there is no assistance given to her, even the clothes we are asking for her as she has only one with her at the jail, the RP consular failed to provide her,’” bahagi ng ipinadalang mensahe ni Dennis Neri, kapatid ng ginahasang Filipina janitress kay John Leonard Monterona, Migrante-Middle East regional coordinator.
Magugunita na mariing pinabulaanan ng OFW na itinago sa pangalang Camille, 35-anyos, sa ginawang pagbisita ng Migrante case officer noong Setyembre 27 na nagkaroon siya ng bawal na relasyon sa isang Bangladeshi co-worker at iginiit nito na siya’y nagahasa.
Si Camille ay mahigit isang taon ng nakakulong sa Hafer Al Baten Central Jail na may layong 500 kms. mula sa Al Khobar na nasa silangang rehiyon ng Saudi Arabia.
Ayon pa kay Monterona, ang kapatid ng biktima na si Dennis Neri, na isa ring OFW na nakabase naman sa Qatar ay nakikipag-ugnayan sa kanya at patuloy na nagsusumamo ng tulong, kabilang na ang pagkakaoob ng legal assistance gayundin ng masusuot na damit upang may maipampalit naman ito.