Maysakit na Pinay inabandona ng employer....
Sa halip na arugain ng kanyang employer, isang Pinay domestic helper sa Qatar na nagkaroon ng nervous breakdown ang ipinatapon sa deportation center.
Nabatid na ang 25-anyos na domestic helper na itinago sa pangalang
Beth ay mahigit isang taong namasukan sa mag-asawang Qatari. Naging maayos naman umano ang pagtrato sa DH ng kanyang mga employer maliban lamang sa hindi pagtupad sa ipinangakong pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang pamilya.
Bago naratay sa banig ng karamdaman ng ilang araw ang Pinay DH ay una umano itong nakaramdam ng panghihina at sakit ng ulo matapos kumain ng sweet corn na bigay ng kanyang babaeng amo.
Dahil sa kawalan nito ng kakayahang magtrabaho ay may dumating umanong mga pulis sa bahay ng kanyang mga amo at dinala siya sa deportation center kung saan siya nanatili ng mahigit isang linggo.
(..Bakit kaya ndi sa hospital dinala?.. tsk. tsk)