ako'y taas noo na ipinagmamalaki ang aking pagka-pilipino. Sa bandila akoy humihinto at nagbibigay galang anumang oras sa twing itoy itinataas. Ang aking panata sa aking bayan ay siyang aking kinikilingan sa anumang laban sa alinmang larangan loob man o labas.

Subalit para sa iilan na may baligtad na paniniwala sa kanyang bayang kinagisnan. Akoy nahihiya kung bakit sa putik na kanilang kinagisnan ay lalong naging kumunoy ng buhay nilang kinalabasan.

Gumising ka kaibigan at tumingin ka sa dakong may pag-asa, sabihin na nating ikaw ang pinakamagaling pinoy na isinilang sa ngalan ng progreso, subalit kung sa paglingon moy wlang kaibigang pumansin sayong kagalingan, halata na yan ay hindi batayan sa tunay mong asenso.

~~~ We could learn a lot from crayons; some are sharp and some are dull, some are pretty, some have weird names and all are of different colors, but they all have to learn to live in the same box.~~~