kaunting tulong po
Magandang Araw mga Ka-Filex,
ihihingi ko pa sana sa inyo ng advice ang problema ko, nagpunta po ako dito as business visa and after makita ng work eh na-process po agad ang pag transfer ng visa ko sa sponsor ko, while on process eh nagwork na po ako sa kanila nung june 7... then nag medical po ako but after that eh wala na po finger print..halos mahigit isang buwan na po ang lumipas eh wala pa rin po finger printing na nangyari. tinanung ko po sponsor ko and sabi eh hindi na raw nila itutuloy yung pag process ng RP ko sa hindi nila masabi na kung anung dahilan, tinanung ko na baka may problem sa medical ko, sabi nila wala daw...humanap na lang daw po ako ng bagong sponsor at bibigyan nila ako ng release/NOC...nag decide naman na po ako na umuwi na lang tutal eh wala naman ako pataka/iqama..at pwede naman ako bumalik dito thru agency na lang sa atin sa pinas kasi hindi naman ako sakop ng 2 years ban.....ngayun po eh ang problema....hindi pa po nila binibigay yung sahod ko for one month na pinagtrabaho ko sa kanila, lagi na lang nila sinasabi na comeback tomorrow or to this date...wala pa rin...hanggang sa nagpa book na ako ng flight para bukas para lang sabihin ko na uuwi na ako pinas and if they can want they can cancel my visa, basta ibigay lang nila yung sahod ko na 2800QRS. kasi pambayad ko po yun sa ticket......sino po ba pwede ko lapitan or hingian ng tulong para po maibigay ang suweldo ko na halos isang buwan na din pong delay....
salamat po sa pagbigay nyo ng konting panahon sa aking problema..God bless us all!!!