lumalaban
Hanggang balikat her hair, payat at petit sya….malaki ang mata at kahit naka smile makikita mo pa rin lungkot sa mukha nya, she looks too matured for her age (23)
, her name is Jocelyn.
.
matiyaga syang naglalako ng kakaning paninda sa gitna ng Hot Doha Sun.
Matapang siyang pumapasok sa bawat establishment para lang may bumili sa kanyang pagkain na nakabalot at nakalagay sa dalawang malaking shopping bag na nakasabit sa kanyang maliliit na braso.
.
Everytime dumarating sya, laki ng smile niya na parang di man lang nahihirapan sa klase ng trabaho nya.
Jocelyn: Hi Kabayan, may dala akong beef tapa…..
Hi sir M.(referring to my muslim officemate) I hab adobo sa gata…..
Sir M: okay, bigyan mo ko ng tatlo (trying hard na nag tatagalog)
.
Halos every other week andito sya sa office ko, sari saring food like pansit, minsan dinugu-an, siopao, arroz caldo-as in lugaw which makes me wonder, paano nya nadadala lahat ng ito.
.
Affordable naman mga paninda nya, pero kung ako ang nagtitinda no'n, dafat super mahal sya, kasha nga door to door delivery 'to at nag ta taxi /bus lang sya papunta sa isang lugar.
.
.Noong bago mag Christmas eve (2009) akalain mo, kumakaok sya sa pintuan ng house ni Greentea at nag ka caroling daw.
Me: teka, hanggang Bin Omran ba sinusundan mo ko…?
Jocelyn: Hindi naman po, kahit saan lang po talaga ako napapadpad, kailangan romaket para pandagdag kita para sa kanila (refereng to her family back home).
.
Mga Febrary, nagpapaalam na sya, uuwi na raw sya, may lungkot sa fez nya, m wondering, naka ipon na kaya sya…?
.
Last Fri 13 Aug. nakasalubong ko sya sa V. Mall….laki ng smile nya huh..andito ka na ulit.? oo sabi nya....
Today, ito nag kumustahan, andito na naman sya sa office ko at dahil dyan may pasalubong akong empanada kay BF…
.
my note:
Lord, please bless her, she totally deserves it, sa hirap ng work nya, heto pa rin lumalaban. She is super tiyaga kahit na maluto skin nya 50 degree c. weather wa pa rin sya paki, basta lang kumita…
.
samantalang ako, mainitan lang kaunti, feeling ko mamamatay na me…..
.samantalang ako, there are often times na super busy ako, pero I always have somebody to assist me.
Samanatalang ako, pa fb /QL lang, andami pang reklamo sa buhay…
…