Ang langaw sa ibabaw ng kalabaw!
![nicaq25](https://files.qatarliving.com/styles/60x60/s3/legacy_new_012/pictures/2015/05/06/1430865521_919732064.jpg?itok=Si6OvBRe)
Comedian Carolla, ignorante - Malacañang
4/4/2010 3:18:45 PM
Bumwelta ngayon ang Malacañang sa TV/radio host at beteranong komedyante na si Adam Carolla, sa panlalait nito sa Pilipinas at kay Manny Pacquiao.
Inihayag ni Presidential Deputy Spokesman Gary Olivar na bagama't ang mga Amerikano ay desenteng tao kagaya ng mga Filipino, hindi umano maiiwasan na mayroong mga istupido at ignorante kagaya ni Carolla.
Nabatid na kinondena ng mga Pinoy ang mga sinabi ng Italian-American comedian na "illiterate" si Pacquiao at bansa umano ng mga prostitutes ang Pilipinas.
Ayon pa kay Olivar, si Pacquiao o kahit sinong Pinoy ay nais patikimin sa ibabaw ng ring ang komedyante upang maliwanagan ang isip nito.
"The vast majority of Americans, like us, are decent people. Unfortunately there will always be exceptions that prove the rule - ignorant and stupid yahoos like Carolla," ani Olivar sa Bombo Radyo.
Una rito, minaliit ni Carolla si Pacman dahil sa hindi umano pagpayag sa hirit ni Floyd Mayweather Jr. na drug testing para sa kanilang laban.
“All you ____ got is just an illiterate guy who happens to smash other guys in the head better than other people," ayon pa kay Carolla.
Maging ang pagkandidato ni Pacman ay hindi pinalampas ng komedyante at tinawag pa na may brain damage ang Pinoy ring icon.
“All they have over there (in the Philippines) is Manny Pacquiao and sex stores. What happens when Floyd Mayweather beats him? Does your country go into depression?" dagdag pa ni Carolla.
Si Carolla ay isang beteranong komedyante at malapit na kaibigan ng TV host na si Jimmy Kimmel na dalawang beses nang inimbitahan si Pacman upang mag-guest sa kanyang show.
http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=140484
------
Amerikano nga ba si Carolla na 'to? O nakapunta lang sa bansa ng Amerika??