Crackdown vs illegal foreign workers pinaigting
Puspusan ang kampanya ng Bureau of Immigration (BI) na habulin ang mga ilegal na dayuhang manggagawa sa bansa, bilang pagtalima sa mahigpit na direktiba ng Department of Labor and Employment (DOLE) na higpitan ang kumpitensya sa trabaho para sa mga foreign workers.
Alinsunod sa bagong polisiya ng DOLE, hihigpitan na ng gobyerno ang ibibigay na oportunidad sa trabaho para sa mga dayuhang manggagawa upang maapula ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa.
Bunsod nito isang American national ang dinakip ng operatiba ng BI sa Iligan City matapos matuklasang nag-o-operate ito ng negosyo nang walang kaukulang dokumento.
Kinilala ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang dayuhan na si Jeffrey Alans Evan, 47, presidente at mana ging director ng internet café sa Quezon Avenue, Pob lacion, Iligan City.
Base sa imbestigasyon ng BI, walang working at business permit si Evan para mag-operate ng anumang negosyo o pumasok sa anumang trabaho sa bansa.
Mahigpit ang direktiba ng DOLE para sa employment visa sa mga dayuhan, kaya’t kakasuhan si Evan ng paglabag sa Philippine immigration law.