Mapapatawad ko kaya???
Mga Kabayan,
Post ko lang po dito ung problema ng isang nating kababayan..nilagay kase nia sa question at as we all know english only forum un, sana po ma help na tin sya hru your comments at maliwanagan sya dapat nia gawin
Salamat po ng madami
Posted in:* Family Life
By botheredhubby
Wed, 21/10/2009 - 2:55am
Isang malaking bangungot....sana di na lang ako nagtrabaho abroad. Pagsisi nga ba ito?
Kasalukayan akong napadpad sa isang magandang company dito sa Qatar. Tatlong taon na ako ditong nghihirap mapalayo sa pamilya, panay din ang aking overtime para lang matustusan ang pangangailangan ng aking mahal sa buhay sa Pinas.
Nagkaroon ako ng constant chatmate at napalagay ang loob ko sa kanya. Isa lang kasing itong diversion sa pangungulila. Nahulog ang aking loob at sobrang nawindang sa atensyon na binigay sa akin.Di ko naman pinabayaan ang aking pamilya.
Nasilip noon ng aking asawa ang aking email account at na capture nya ang isang email message na naglalaman ng sweet messages. Panay ang away ng aking asawa sa ebidensyang kanyang nakita.Di nya ako tinantanan.She accused me of so many things ive not done.
Ayaw kong mawala ang pamilya ko sa buhay ko. Nagpasya akong kunin ang aking asawa dito. Pero ang malungkot...nagkaroon ng malaking comprontasyon ... masasaya ang aming unang mga araw. Pero sadya yatang lalabas at lalabas ang katotohanan.
May inamin ang aking asawa na sya ay nagkaroon ng isang illicit relasyon sa EVP(boss nya dati) ng isang company sa Manila , sa dahilang nagrebelde sya sa kanyang nakita sa email ko at dahil na din sa kulang na attensyon na aking binigay. Ang relasyon nila ay nangyari almost a year na andito ako sa Doha. Tipong ginawa daw nya yun dahil sa curiosity( yung tipong alang nakaalam na iba kundi lang sila) at nawindang din sa atensyon na binigay sa kanya.
Ako'y NAGUGULUHAN SA NGAYON.Nag sorry siya. Nag iyakan kami. Pero blanko ang aking isip.....di ko sukat mawari na nagawa nya yun sa akin. May dalawa kaming mga anak na kasama nya sa Manila at sila ang nagbibigay ng kaligayan sa amin. Ayaw namin masaktan ang mga bata pero sa nangyari sa amin....mahirap makalimutan. Mag sasampung taon kasal pa naman kami nitong January pero di ko alam kung mapapatawad ko siya. Nandidiri ako sa kanya sa ginawa nya. Gusto ko siyang saktan pero para saan pa?
Sa mga taong magbibigay ng advise salamat po. Babalik na siya sa |Pinas sa sunod na buwan di ko ata kaya na patagalin pa siya sa dito.