Mister, nilatigo ni Misis ng kadena
Gusto ko la-ang e share ire sa ating mga kababayan dine na wag na wag gagawa ng di kanais nais para maiwasan ang sakit sa kataw-an. May kasabihan nga ang mga matatanda na "Kung mag sisindi ka nga apoy, eh sa malayo para di mapaso"
________________________________________________________
"Mister, nilatigo ni Misis ng kadena"
Latay ng kadenang bakal ang tinamo ng isang mister mula sa nagngingitngit na misis matapos maaktuhan ng babae ang asawang nagtatampisaw sa kandungan ng 19-anyos na kalaguyo nito sa kanilang sala kamakalawa sa Bgy. Namnama, Koronadal City.
Bukod dito, desidido rin si Gema Vila, 39, na kasuhan ang 44-anyos na mister kasama ang kalaguyo nito.
Ayon sa Koronadal City police, inihahanda na ang kaso laban sa dalawang suspek.
Sa salaysay ni Gemma, nagkasagutan sila ng kanyang mister at kinagabihan ay dumating itong amoy alak. Hindi niya kinibo ang esposo na hindi na rin pumasok sa kanilang kuwarto para roon matulog.
Nagulantang na lamang ang babae dakong alas-kuwatro ng umaga paglabas nito sa kanilang kuwarto upang pumunta sa comfort room at umihi nang matunghayan ang nakapatong niyang mister sa isang babae sa kanilang sala.
Hindi pa umano namalayan ng dalawa ang pag labas sa kuwarto kaya sa tindi ng galit nito ay pumunta sa kusina, kinuha ang kadena ng kanilang aso at pinaghahambalos ang mister kung saan noo’y umuungol pa ang dalawa.
Habang nilalatay, agad namang tumakas ang kalaguyo ni mister.