Actors Dennis at Maxine, sugatan; kasama, patay
BORACAY ISLAND - Isinugod sa isang ospital ang actor na si Dennis Trillo at actress na si Maxine Eigenman para lapatan ng lunas matapos maaksidente habang sinisikap na iligtas ang isang kasamahan na nalunod sa isla ng Boracay.
Sa report ni Bombo Jupiter Gallanero, sinasabing dead on arrival umano sa pagamutan ang kasama nina Dennis at Maxine na nakilalang si Jollybee Bordajo, habang shock naman ang dalawang artista na nagtamo ng mga sugat.
Nasa Metropolitan Doctor's Medical Clinic sina Dennis at Maxine, habang ang bangkay ni Bordajo ay dinala sa Boracay Hospital.
Ayon kay Boracay Philippine Coast Guard Commander Arthur Ejina, pasado 1:45 ng hapon kanina ng makatanggap sila ng tawag na humihingi ng tulong.
Nasa mabatong bahagi umano ng beach ang grupo sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag ng bigla na lamang hampasin ng malaking alon dahilan para malunod ang biktima.
Sinikap umanong iligtas nina Dennis at Maxine si Bordajo pero nabigo sila at sa halip ay nagtamo rin ng maraming sugat.
Ang mga ito ay nasa Boracay sa isang malaking resort para sa ginaganap na sportsfest at kanina nga ay naglakad lakad ang grupo sa beach at napunta sa mabatong lugar na katabi lamang ng shoreline.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa attending physician, nagtamo umano ng maraming gasgas sa dibdib, katawan at ulo si Bordajo.
http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=107526