Beware of Hulidap Gang
received from email, not sure kung na-post na po, at any rate, just be aware...
Mahalagang Paala-ala sa ating mga kababayan na
nagsisikap na makapagpundar ng salapi para sa kanilang
pamilya.
Narito ang isa sa karumaldumal sa gawain ng mga
bayarin na alagad ng batas para sila ay magkamal ng
salapi sa masamang paraan.
Kung kayo ay kumakain sa anumang restaurant o
fastfood at halos ilang linggo pa lamang nakakarating
galing sa ibang bansa ay mag-ingat kayo sa
ganitong scenario.... ......habang kayo ay kumakain, may
pwe-pwesto sa tapat ng lamesa nyo na isang tao
(babae o lalaki) at ito ay kakain rin, kalimitan ang suot
ay parang balikbayan din, malimit itong gagamit
ng cellphone at malakas mag salita para makuha ang
atensyon mo, at parang nagmamadali.
Bigla itong tatayo at a-akto na nagmamadali,
mai-iwan sa table ang susi ng kotse nya, dito ay dapat kang
mag-isip ng mabuti dahil sa oras na kunin mo
ang susi at ihabol sa labas ng fastfood o restaurant, para
iabot sa umalis na customer ay pagdating sa
labas ay hindi mo na makikita ang taong ito, sa puntong ito
ay babalik ka sa loob ng fastfood or
restaurant, biglang may lalapit syo na magpapakilalang pulis at
sasabihin syo na ikaw ay suspect sa carnapping,
at bubulungan ka na huwag mag-ingay at sumama sa labas
dahil nandoon ang complainant, at may tatayo pa
na apat na tao sa loob ng fastfood o restaurant at
magpapakilalang mga intel agent, dito ay
malilito ka na at mapipilitan kang sumama sa labas.
ITO AY ISANG MALINAW NA FRAME UP.
Kapag kayo ay nasa labas na, dito na magaganap
ang pagpilit syo na sumakay sa kotse nila upang ikaw daw
dalhin sa presinto subalit dadalhin ka nila sa
lugar na halos walang tao at doon ka tatakutin na
ipa-pa-media at sasampahan ng kaso.
Ito na ang simula ng pag-alok nila sa iyo ng
ibang option para hindi ka makasuhan, ito ay ang pagbibigay
mo sa kanila ng pera, una ay hihingan ka nila
ng P500,000.00 hanggang sa makipag-negogiate ka sa kanila.
KAYA PO MGA KASAMANG MGA OFW, MAG-INGAT PO KAYO
SA PAGMAMAGANDANG LOOB KAPAG NASA PILIPINAS, IWASAN PO
NINYONG DAMPUTIN ANG ANO MANG BAGAY NA MAIIWAN
NG MGA KUSTOMER NA AGAW PANSIN.
IPAALAM PO NATIN ITO SA LAHAT NG ATING KASAMANG
OFW AT MAGING SA MGA KAMG-ANAK NATIN NA NASA PILIPINAS.
HINDI PO TAYO NAMUMULOT NG PERA PARA NAKAWIN SA
ATIN NG MGA WALANG PUSONG NAGPAPAKILALANG ALAGAD NG
BATAS ANG SALAPING ATING PINAGHIRAPAN, PATI PO
ANG MAGANDANG PANGALAN NATIN AY KANILANG SISIRAIN.
Ito po ay nagyayari sa lugar ng Bulacan,
Laguna, Antipolo, Bataan, at Quezon City .
Mag-ingat po tayo palagi at manalangin sa Diyos.