Distress OFW
Padami ng padami ang mga distress OFW dito sa Qatar. Last Friday napanood ko sa Balitang Middle East sa ulat ni Mr. Delfin Montenegro na meron 3 OFW na natutulog sa ilalim ng truck ng kumpanya nila na Al Masoud Company. Ang 3 OFW na ito ay nakabase sa Meesaid. Kalunos lunos ang kalagayan nila. Biruin mo sa ilalim sila ng truck natutulog. November pa sila last year hindi pinapasahod at meron pang pagkakataon na pagtrabahuhin sila ng mga visor nilang Palestine at Egyptian na 24 hours buong linggo...
Bukod dito meron din 2 tao ang lumapit sa akin habang papunta ako sa isang supermarket. Nanlilimos sila dahil ang amo daw nila ay hindi sila pinapasahod since November 08 din. Nung nagsampa sila ng case sa labor, pinapaalis sila ngaun sa accommodation nila. Hiningi ko ang number ng isa sa kanila. Sa una ayaw nila baka daw kasi ma media sila. Tinanong ko rin kung lumapit na sila sa POLO/OWWA. ANg sabi ay OO, kaya lang daw puro lng advices ang narereceive nila at xempre sermon.