Back Up Plan
Kagabi,napunta kami sa isang mamahaling hotel dahil may s-line kami doon. Nang natapos na kami, aba'y nalaman na lang namin na nawalan kami ng pera!Yung isang kasamahan namin ay napaiyak talaga sa sobrang galit.Nag s-line nga para kumita para may mapadala sa pamilya sa atin pero ninakaw lang ng mga walang kwentang tao.
Nung pauwi na kami, hindi ko napigilang isipin na ang buhay talaga ay very unpredictable. Minsan, okey sya pero minsan naman, very challenging ito. Nasa sa atin na lang if paano natin ito haharapin.
Kapamilya at kapuso, alam nating nasa kalagitnaan tayo ng isang pandaigdigang krisis finansyal at sabi pa nga nila, baka raw ito lalala pa towards the middle of this year. Kung tayo'y mapauwi dahil sa downsizing (hwag naman sana),kaya kaya nating buhayin ang pamilya natin habang tayo'y nag-aantay ng job opportunity?
May back-up plan ba tayo kung saka-sakaling may masamang mangyari? Are we ready? Please share some practical ideas on how to cope with financial difficulties.
for complete story, visit: http://www.buhayqatar.com