Eksenang Jeepneys

Vivo Bonito
By Vivo Bonito

Anhirap maipit sa trapik. Andun ka sa lang upuan mo habang inaantay mong maubos ang iyong napakaimportanteng oras sa napakawalang kwentang bagay. Kung meron mang makabuluhang pwedeng gawin habang nasa trapik, ‘yun ay ang pamamasyal ng daliri sa ilong at perpektong pagbilog ng kulangot para maging hugis sago. At pag hindi perpekto ang pagkakabilog, pwede mong ipahid sa katabing upuan para may isa na namang kaluluwa ang mapapasigaw ng ‘Hesusmaryosep’ at muling manumbalik-loob sa panginoon. Meron ka na namang isang kaluluwang naisalba. Plus point ka kay Papa Jesus pag ganun.

Pagkatapos ng trapik ay mahaba-haba na namang lakaran papuntang opisina. Kung ikaw ay nasa Makati, hindi ka pwedeng magmadaling tumakbo. Guwardiyado ang bawat kilos mo at may mga K9 units sa bawat kanto. Pag tumakbo ka at may pasaway na sumigaw ng ‘Magnanakaw!’, malas mo, dahil ikaw ang kauna-unahang almusal ng mga asong mas malaki pa kay Scooby Doo.

Madadaanan mo ng paulit ulit ang mga bulag na kumbatsero na tumutugtog ng mga kantang kapanahunan ni Kuya Germs sa ibaba ng Landmark Makati. Maghuhulog ng piso sa donation box kasabay ng isang payak na panalangin na sana bukas, ibang awit naman maliban kina Imelda Papin at Aegis ang kanilang awitin. Pwede naman ang ‘Hit Me Baby One More Time’ ni Britney Spears.

At pagdating sa opisina, pukpukan na naman sa trabaho. Suwerte ng kumpanya ko sa akin. Saan ka pa makakahanap ng tulad kong mabait, at kapaki-pakinabang. asus...:P Di tulad ng boss ko dati na pumapasok lang sa opis para maghapong ngumatngat ng butong pakwan.

At sa maghapon, kelangang makibagay sa iba’t ibang klaseng tao meron sa opisina. May mga taong di makatingin ng diretso pag kausap. Ganung ganun ‘yung isa kong kaopismeyt. ‘Uy musta na? Life is great ‘no?’, tuwang tuwang kinakamayan ako habang sa kisame nakatingin. Gustong gusto ko ngang hawakan sa ulo at iayos ang direksiyon.

At pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina, muling sasakay pauwi, at magbakasakaling hindi matatrapik. Asa ka pa. Muli, mangungulangot at magsasalba ng kaluluwa ng iba.

Kung hindi naman trip ang magpahid ng kulangot sa katabing upuan, pwede mong ipahid sa panyo ang mga nalikom na kulangot at gawing ‘connect-the-dots’ mamya pagdating sa bahay pag di ka na busy. Malay mo makabuo ka ng isang hugis giraffe, may maituro kang kapakipakinabang sa pamangkin mo tungkol sa kalikasan. Maliban sa pag-dial sa ilong, wala na akong maisip na ibang pwedeng magawa pag trapik.

Kayo anong naiisip nyong gawin pag kayo'y natratrapik?

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.