Wikang Filipino na ang gagamitin sa Senado
![nicaq25](https://files.qatarliving.com/styles/60x60/s3/legacy_new_012/pictures/2015/05/06/1430865521_919732064.jpg?itok=Si6OvBRe)
Inaprobahan na ng Senado ang resolusyon ni Sen. Manuel Lapid na gagamitin ang wikang Filipino sa lahat ng usapan at mga dokumento ng Upper House kasama na rito ang kanilang Senate rules.
Ito'y makaraang walang sinumang mambabatas ang komontra sa panukala ni Lapid kung kaya't agad itong dadalhin sa plenaryo.
Dahil sa pagkaka-aproba ng nasabing resolusyon, nangako si Lapid sa mamamayan na maririnig na ang kanyang boses sa plenaryo ng Upper House at tiyak umanong makikihalo na rin siya sa anumang debate o talakayan.
Kasabay niyan ay pinawi naman ng senador ang pangamba ng ilan sa posibleng magmistulang balagtasan ang plenaryo kapag ang wikang Filipino na ang ginamit na salita sa plenaryo ng Kongreso.
Habang sa panig naman ni Sen. Miriam Santiago, iginiit nito na wala naman siya nakikitang problema rito dahil ang wikang Filipino ay ang national language at nagkasundo na rito ang lahat na mga senador sa kanilang caucus na ito’y maaprobahan.
http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=68786