Naaalala mo pa ba noon

Naaalala mo pa ba noon na:
1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa
2. ang babae lang ang may hikaw
3. ang preso lang ang may tattoo
4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo
nababasa
5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out
Loud
6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa
7. diyes lang ang isang basong taho
8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi
wala pang plastic cups noon si manong na magtataho
9. chocnut, bukayo at kending vicks ang
pinag-gagastusan mo ng sinko mo
10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at
matamis na bao sa umaga.
11. nagkaka-kalyo ka dahil sa manual typewriter pa ang
ginagamit mo para sa school paper mo
12. kaya uso pa noon ang carbon paper
13. at tancho o superman ang pang-ayos mo ng buhok
14. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para
inumin mo bago matulog
15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala
16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan
para tawagan ang kaibigan mo
17. computer cards ang iyung tinutupi para maging
barilbarilan
18. singkwenta sentimos lang ang songhits
19. pango pa si Vilma
20. kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa
panahon ang balita
21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit
22. pinagtatawanan ang kalbo
23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit
24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae,
ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod
25. lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny
osmena
26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na
27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo
28. payat na payattt ka pa noon
29. highway 54 pa noon at wala pang EDSA.
30. malago pa ang buhok mo
31. Jingle lang at Songhits nakakanta na.. ngayon naka
Kareoke pa.
32. $1.00 = 4 pesos
33. Si Dolphy matanda na, hanggang ngayon buhay pa at
nanganganak pa.
34. Sa Quiapo dati "praise the lord", ngayon "salaam
alekum" na.
Kung naaalala mo pa yan eh ..
tsk tsk MATANDA KA NA!!!