Paano bumati ng Pasko sa Pinas
Eksakto alas siyete dito sa Disyembre 24 ay masuwerte ako na nakapagtawag agad sa aking mga mahal sa buhay sa Pinas sa pamamagitan nga cellphone, tamang-tama na oras ng Noche Buena din sa bahay. Kahit malungkot at malayo sa pamilya, naramdaman ko na rin ang saya ng makausap ko sila ng mga ilang minuto salamat sa Smart. Pero meron ilan sa atin ang hindi nakapagtawag agad at nagka network busy na daw. Seguro iba naman nakapagchat at nakapagbati ng Meri Krismas sa webcam pero hindi gaano ka live dahil hanggang ngayon mahina pa rin ang connection ng Qtel. Meron iba na may 3G phones ang maswerte din nakapag-usap sa mga mahal sa buhay face to face. Ang mga kabayan natin na Pitong welders na laid off ay nagshare na lang sa cellphone ni Willy para matawagan man lang sila sa mga pamilya nila kahit gaano kalungkot Pasko nila. Kayo po, paano po ba kayo nakabati ng Maligayang Pasko sa ating mga pamilya sa Pinas? Share naman po.