KABAYAN SA QATAR NAPILITAN MAMALIMOS!!!!!
Kanina ibinalita sa TV PAtrol World na may mga kababayan taung napilitang mamalimos dahil sa hirap ng buhay nila dito sa Qatar. Minsan may mga kababayan daw tau na nag aabot sa kanila ng QR50/- or QR100/- at takbo na sila para mamili ng bigas nila. Ung ulam naman nila, may mga arabo daw na namimili ng hipon (fish market siguro ung loc na un) ung ulo ng hipon hinihingi nila at un ang ginagawa nilang ulam..
Buong akala nila ibibigay na sa kanila ung sahod at benepisyo sa serbisyo nila sa halos mahigit isang taon sa kumpanya pero hanggang sa ngaun wala pa rin ni isang kusing silang natatanggap. Kaya ngaun, hikahos ang sinasapit nila.
Naiisip ko tuloy ung mga engrandeng salu salo natin tapos makakarinig ka ng ganung balita parang iniisip ko na imbitahan kaya natin sila or maggawa tau ng isang salu salo para sa kanila bukod pa sa munting tulong (pakimkim baga) na maihahandog natin.
Nais ko pong manawagan sa inyo kung maaaring makahingi muli ng konting biyaya mula sa inyo. Kung nung una po medyo malalagay tayo sa alanganin dahil sa mga 'kabayan' natin na tumalon papuntang emvahada at hindi naman daw nakakarating sa susuportahan natin, ngaun po diretso tau sa mga pagbibigyan natin.
Bigyan naman natin sila ng kasiyahan ngaung pasko or bagong taon sa harap ng kanilang matinding pagsubok na kinakaharap.
Maaari ba po taung magdaos ng isang salu-salo at munting regalo para sa kanila?
Sinung pedeng mag-ambag ng pagkain???