Meet the Parents (and the rest of the clan)!
Lets bring back the past....
Guys napanood nyo ba un “MEET THE PARENTS” na movie?
Grabe no riot talaga un nangyari sa kanya! Kasi parang kahit anong gawin nya laging palpak ang dating sa parents ng GF nya. Tapos na taon pang di boto ang soon to be Father in law nya sa kanya.
But in reality talaga naman pagpapawisan ka ng malagkit & nakakakaba talaga lalo na if first time mong mameet un parents or family nya ng Bf or Gf mo.
Dati naalala ko 2 days before me ipakilala ni hubby sa family nya, grabe ang kaba ko kasi feeling ko para kong bibitayin! Lol! Di ko alam if magbaback-out ako sa invitation ni hubby na maglunch sa kanila or what!
Same old feeling as pagkukuhanin mo na un classcard mo during ur college days sa subject na alam mong nasa critical level ka! Lol!=D
Ang dami ko tanong nun sa sarili ko… Like ano kaya ang magiging impression sa akin ng family nya.
Magustuhan kaya nila ako? Mabait kaya sila? Ano kaya isusuot ko? Or ano kaya handa nila? Masarap kaya silang magluto, sana mabusog ako! (ay dapat bang may ganong factor?) lol!
But kidding aside grabe talaga feeling ko that day. Super pinaghandaan ko talaga un araw na un. Bumili ako ng new dress, & nagpaGupit pa ko ng hair as in nag-ayos me ng todo (dapat syempre maganda ko no!).
If worried ako before ko sila mameet e di mas lalo na un mismong day na! Hay super nanlalamig ang kamay ko while papunta at papasok sa house nila. Sabi ko na lang this is it… Todo na to’!=D
& then finally... mababait naman pala sila wala naman palang dapat ikatakot di naman pala sila kumakain ng tao! JOKE!=D
During the meeting syempre di mawawala ang question & answer portion!
Ilan sa mga naalala kong tanong sa akin:
If saan ko nakatira?
Paano kayo nagkakilala ng anak ko?
Ano name ng parents ko?
Ilan kayong magkakapatid?
Ilan ang nag-aaral pa?
Ano & saan ang work ko & ng parents ko?
Magkano ang monthly salary ko?
Updated ba ko magbayad ng tax?
Do we owned our house or rent lang?
Kaya ko na bang buhayin ang anak nila?
100 - 55 x 10 + 1? (Di talaga ko nakasagot dito nakalimutan ko magdala ng calculator!)
Define love? Ngeeeeee!!!
P.S Joke lang po un last 6 questions! Dala lamang ng walang magawa... Lol!=P
Si hubby naman ng mameet nya parents ko kinakabahan din sya…kasi paulit-ulit kong tinatanong sa kanya while nasa bahay sya at nakaupo sa sala na “HON KINAKABAHAN KA NO?!” kulettttt…. lol!
How about u guys whats ur ‘MEET THE PARENTS” story?
Share naman dyan… ;D