anti corporal punishment law sa schools
Kabayan i need your advises, comments, encouragement regarding a very important matter.Lalo na mga parents.. ganito po yun(pls. bear w/ me) may incident kami sa school nung anak ko, regarding sa "pananakit" ng teacher.Actually 2nd time na ito dun sa anak ko, pero mag kaibang teacher.last year din may incident, ganito din dun sa isang anak ko.So kami po ay nagpunta sa school at nagsabi ng aming reklamo, ang nangyari po, although nag apologize sila sa nangyari, parang nagimbestiga sila about sa "ugali" daw ng anak ko, meaning nag ask sila sa mga classmate kung ano ugali ng anak ko.so lumabas sa investigation nya na may hindi daw gaanong nakakasundo yung anak ko & some other petty things, na natural lang na nagyayari sa klase.Ngayon po ang feeling naming mag asawa instead na yung teacher ang imbestigahan, eh yung anak ko pa nadidiin.Para bang humahanap ng butas para ma justify yung ginawa nung teacher. Sabi ng school may incident report silang gagawin,at balak naming humingi ng copy.In the mean time eto po question ko, ano po ba ang tamang prosesso ng pag file ng formal complaint dun sa teacher(s) sa DEPED?Ito po ba ay dadaan dapat sa embassy natin para i forward sa DEPED since under sa DepEd ang filipino school dito.kami po ay nagpreprepare lang for the eventualities na pedeng mangyari.masakit po para sa amin yung nagyayari sa anak namin!I know all parents would agree with me.sa pinas di ko naranasan ang ganito, ni wala kaming incident regarding my kids, kung meron man, very minor lang, mga petty things.kami po ay hindi kunsintidor na parents,positive reinforcement po ang ginagamit namin sa bahay.We really tried to be "cool" about the whole situation,maayos kaming nakipag usap sa school even if gusto ko ng magwala!Believe me it took all the guts in me to control my emotions!Hindi kami nag skandalo.We have their word na di na mauulit ito, naku sana nga!because next time baka nasa TFC at GMA7 na ako! Lol..kidding aside pls. tulungan nyo po kami kung paano nga ba prosesso and your advises would really mean a lot. Kayo po ang isa sa tinuturing kong "pamilya" d2 sa Doha.thanks po again and will wait for all your post.GodBless!