noong araw....para sa mga pinoy at me pusong pinoy!!!
Noong Araw ...
>
> Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
> Walang mga bakod at tarangkahan ang magkakapit-bahay, kung meron,
>gumamela lang;
> Sampung sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa
>hapon;
> Merong "free" ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
> Mataas ang pag-galang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay
>Maestro/Maestra:
> Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
> Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
>tumana;
> Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
>malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa eksams;
> Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang
>mga anak...
> Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala
>namang lock ang mga jeep na Willys noon.
> Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
>tarak-tarakan (gawa sa lata ng sardinas na "rosebowl" ang katawan at
>darigold na maliit ang mga gulong o takip na lata ng pulburon,
>"sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong
>pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas
>sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
> Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro
>nga iyon.
> Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
>tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion
>(kahon-kahon yon!)
> May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
>nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil
>sa kulugo;
> Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas, o "smagol" - suot mo
>pa rin;
> Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa
>lupa.
> Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology..
>. di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
> Sana pwedeng maibalik...
> Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
>maraming addict at masasamang loob...
> Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola.
>Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
>mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
> Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
> Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
> Noong wala pang mga drugs at malls.
> Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
> Tayo doon... Noon ...
> Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang
>buwan;
> Ang mga kamay mo takip ang mata pero nakasilip sa pagitan ng mga
>daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
> Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin,
>kasi wala namang calculator.
> Pag-akyat natin sa mga puno;
> Pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
> Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at
>may dikin naman ang ulo ng babae;
> Inaasbaran ng mga suberbiyo;
> Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
> Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para
>hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
> Pamimili ng bato sa bigas;
> tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon;
>naglako ka ba ng ice-candy o pandesal o pan de lemon, noong araw?
> Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang
>sumakit ang tiyan;
> Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok,
>susuwi at espada?
> "Susmaryosep" ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
> Estigo santo kapag nagmamano.
> Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa
>"kapre";
> Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
> Yung crush mo?
> Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong,
>taeng-kabayo o biskutso?
> Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng
>singsing) o kaya nougat o karamel;
> Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
> mas masaya kung inuyat;
> Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga
>mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
> Madami pa...
> Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
> sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa
>sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang
>isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
> Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
> Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o
>naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
> Lipstick mo ay papel de hapon;
> Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
> Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga
>punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid
>ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
> May mga program kapag Lunes sa paaralan;
> May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
> Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
> Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
> Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
> Di ba noon...
> Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
> Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa
>dalawang ito? Ito ba o ito?"...
> Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
>carabao batuten...
> Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
> Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
> Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
> Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
>pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
> Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang
>tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
> Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron
>tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
> Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa panahon ng ...
> KAPAYAPAAN!
> Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
>
> Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin
>lang niyan ay.......... ...
> MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, padala
>mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at
>mangiti rin siya.
Did I tell you I do not tagalog. I have many talents. Keep them to the right moment.:D
yeah like I'm that talented! NOT lol
When I saw your name in this post, me too felt the same for you...Like I thought you too know Tagalog..LOL
[img_assist|nid=22259|title=Fruity..Kitty|desc=|link=none|align=left|width=135|height=180]
Jeez KH did you type that first in Lebanese then hit 'translate into tagalog'?
Whatever or however, I'm impressed!
I think you should post this on Fil-expat group because this is in tagalog and most of the members will not understand this.
Just browse the QatarGroups Tab and look for Fil-Expat.
Musta na po?
Cheers!
[img_assist|nid=23961|title=|desc=|link=none|align=left|width=135|height=180]
"I find it wholesome to be alone the greater part of time. To be in company, even with the best, is soon wearisome and dissipating. I love to be alone, I never find a companionable solitude"
naaalala mo kapanahunan mo kelly no?hahahahhahahah
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang
tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron
tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa panahon ng ...
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!