ISANG PANAWAGAN
Mga Kabayan,
Magandang hapon po!
Ako po ay dumudulog sa inyo upang makiusap na kung sino man po ang may alam na Job Vacancy for HR/ADMIN/SECRETARIAL positions ay mangyari po lamang na kami ay ipag-alam.
Kahapon lamang po, matapos ang isang linggong paghihintay ng aking kapatid na dumating dito nung Oct. 1, sa written offer ng isang kilalang "lokal" na kumpanya sa kanya ay pinapirma siya ng bandang 11:30 ng umaga. Pinayuhan po siya na ang kanyang pasimulang araw ng trabaho ay kapag lumabas na ang kanyang Working Visa. Ganunpaman po ay tinanong siya ng kanyang magiging Boss na kung puwedeng pasimula ng Huwebes, 16 Oktubre ay pumasok siya mula 9:00 a.m. - 1:00 p.m. habang hinihintay ang kanyang working visa.
Pumayag naman po ang aking kapatid. Inakala po namin na maayos na ang lahat at nakahinga po kami ng maluwag sa pag-aakalang papanimulan na ang paglilipat ng kanyang visa.
Ngunit sa di po inaasahang pangyayari na lubhang nakagulat sa amin ay tinawagan siya ng bandang 7:30 ng gabi upang sabihan na hindi na mai-ooffer ang posisyong ibinigay sa kanya. Nakipag-alam po kami kanina at kinumpirma po nila na sa kadahilanang kailangan nilang mag-reorganize eh naka-hold ang posisyon at hindi nila masabi kung gaano katagal at kung ma-kansela din sa bandang huli.
Dalawang linggo na lamang po ang nalalabi bago mag-expire ang kanyang Visa kung kaya't minarapat ko pong magsumamo sa bawat isa sa inyo. Kung meron man po kayong alam na bakanteng posisyon sa iba't ibang kumpanya ay mangyari po lamang na kami ay pagpayuhan kung saan at kung kanino po kami maaaring mag-forward ng kanyang CV.
Maraming maraming salamat po at pagpalain kayo ng Poong Maykapal!