weekend joke: Noon at Ngayon
Noon: bilanggo, dinadalaw
Ngayon: bilanggo, nakakadalaw
Noon: hintaying bumilog ang buwan bago magpakasal
Ngayon: hintaying bumilog ang tiyan bago pakasalan
Noon: ‘nay tapos na po may ipapagawa pa ba kayo?
Ngayon: grabe ka naman 'nay! ang Diyos nga sampu lang ang utos, kayo ang dami-dami! gusto niyo rin ba maipako?
Noon
Mister: hon, musta na ang tindahan?
Misis: grocery na!
Mister: musta na ang tricycle?
Misis: taxi na!
Ngayon
Mister: musta ng dalawa nating anak?
Misis: apat na!
Noon: ‘nay nung nasa MRT kami ni tatay tumayo siya para makaupo yung matanda.
Ngayon: ‘nay nung nasa MRT kami ni tatay pinatayo nya ko para makaupo yung sexy.
Noon: Nene, anak ko. tago may mga hapon!
Ngayon: Nene, anak ko. Labas may mga hapon!
Noon: hindi lahat ng babae maganda
Ngayon: hindi lahat ng maganda babae
Noon: kung gusto mo ng maraming pera kailangan mong mag aral.
Ngayon : kung gusto mong mag aral kailangan mo ng maraming pera.
Noon: di lahat ng magsyota naghahalikan.
Ngayon: di lahat ng naghahalikan magsyota.