Tinatawag ang pansin ni Madam Dahlia
I hope this will go to filex forum, if it will go to main forum please pardon my ignorance..............
madami po ang nadismaya, nalungkot, nagalit etc. sa nangyari sa gary v. concert.at ako ay kabilang sa mga iyon. nung ibinalita palang ang concert na ito wala kaming inaksayang oras para bumili ng vip tickets dahil ang sabi limited seats lang at 500 lamang ang bilang. kaya kahit QR 150 ok lang dahil ang kapalit nito ay saya at benepisyo kumpara sa ibang seats na mura ang tickets.heto na araw na ng concert, ang aga naming dumating para sana dun kami sa magandang pwesto. 1.magkasama ang pila ng 150 at 90,ok parin walang kaso sa amin.
2.nung nagpapasok na kasama kami sa na unang pumasok aba!!!!!!halos puno na ang mga upuan, san galing ang mga nakaupo na at wala naman sila sa pila?suma tutal na pwesto kami sa huliaan atleast nakaupo parin.nasa unahan ang seat number namin pero dahil sa mga kapal mukha sa likuran kami napwesto!
3.marami pang dumating na 150 pero wala ng maibigay na id.dahil ba binigay na sa mga hindi na pumila?mga kakilala ba ito?
4.dahil nagbayad ng mahal natural gustung umupo ng mga kabayan natin.ng puwesto na sila sa harap nag announce naman na "kung hindi kayo kasama sa entourage ni Dahlia umalis kayo sa harapan".
5.ng hindi mapa alis at nagkakagulu na may mga pulis pang dumating.kung naging maayos lang sana ang pag organize neto hindi sana aabot sa puntong ito.
wag ng sabihing bumawi naman dahil sa performance ni Gary, that is beyond the point.
Madam Dahlia sana po sa susunod wag ng ganito dahil kaming mga kabayan mo pinaghirapan din ang pera na pinambayad namin sa mga tickets na binenta mo. wala na akong ibang sasabihin sa iyo dahil nasabi na sa kabilang sinulid. ito ay panawagan lamang na ayusin mo naman para hindi kami malugi sa ibinayad namin.
Inaanyayahan korin ang mga ibang member na magpahayag dito para naman hindi na maulit ang pandarayang ito.