konting payo po.
sa doha po ako nakatira. nandito po ang aking mag-ina. ang ihihingi ko po sana ng payo ay itong tungkol sa kasama namin sa bahay(lalaki).
bachelor po siya dito... pero once or twice a year dinadala niya dito ang asawa niya. sa madaling salita nakasama o nakakakuwentuhan na ng mrs ko ang asawa niya.
sa ngayon po ang umuwi na naman ang asawa niya sa pinas.. pero nitong mga nakaraang araw.. nagdadala siya ng babae sa bahay. sabi niya noong una kaibigan at namamasyal lang sa bahay... pero napapadalas na ang punta at madalas sa minsan dito narin natutulog.
... ano po ba ang maipapayo ninyo..inaalala ko lang ang magiging kaligtasan ng magina ko. sa malayo po kasi ang trabaho ko.. at kung umuuwi ako malalim na ng gabi.ang asawa ko naman po ay pumapasok sa trabaho. inaalala ko lang po una: ang kapakanan ng mag ina ko kung sakaling magkahulihan (halimbawang may nagsumbong sa kanila, sa tingin po ba ninyo madadamay kami? pangalawa: noon kasi kinausap ko na ang kasama namin tungkol dito.. kailangan bang kausapin ko ulit? para kasing wala siyang pinagaralan kung hindi niya matandaan. o : sabihin ko kaya sa asawa niya pagdating dito ulit? ( baka naman hindi siya maniwala at hanapan ako ng ibidensiya)... nakokonsinsiya din ako sa asawa kasi nakilala na namin siya.....
sana po mabigayan ninyo ako ng magandang payo. kung isusumbong ko naman kasi sila sa pulis,,, parang nakakaawa naman kasi mawawalan siya ng trabaho... tsk...tsk..tsk.
lubos pong nagpapasalamat sa kung sino man makakapagbigay ng payo.
edgar po