KK Weekday Meet Up
Kamusta naman kumare, kumpadre, kapuso, kapamilya at kabagang... Paumanhin po kung ngaun lang ako nakapagpost ng sinulid para dito super busy lang ng schedule ko ngaun... Siyempre walang mga boss tapos nasabay pa sa annual audit hayzzzz...
Gayunpaman, huli man daw at magaling, huli pa rin at pede pang ihabol... Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng umattend last Friday, bukod sa super daming lafang, marami din napag usapan tungkol sa usapang pagnenegosyo, isang plano na related din sa post ni ron ona na YARD SALE kaya lang venue ay medyo malaki kaya expect na rin na malaki din ang magiging crowd dun, payo ni treysdad.
Marami din ang mga topic na ididiscuss sa pagpapatuloy meet ups...
Maraming maraming salamat muli sa mga dumating:
> Queenct
> Arecel
> Shane
> Wolfman
> Dekyo2000
> Glecs
> Malley
> BF
> Habibidak
> Greentea
> Heero
> Jayce1967
> Tatess
> Tatess Sis
> Mckenzie
> Bicolano
> King Edshel
> Junarc
> Qatar Idols
> Mikepusa
> Wishdom
> Andrei
> Celia J
> Pids
Sa susunod na meet up po ilang araw mula ngaun, ang ididiscuss po natin ay ung:
> Plano 101 para sa malaking pagtitipon (30mins)
> Pricing (30mins)
> Paycheck/Expenditures/Savings (10-15mins)
> Aktwal na karanasan sa pagnenegosyo (20mins)
> Speaker for specific subject matter (20-30mins)
PAALALA: Ang meeting place po ay HINDI na sa WAQIF, iPM ko po lahat ng mga umattend for the details... Mas malapit, mas private, mas mura ang gagastusin.
Sa mga gusto pa rin pong makibahagi, PM niyo lng din po ako.
Magandang umaga sa inyong lahat!