Filexpatraites Tawag Tulong...
magandang hapon po senyo mga kabayan...
kaninang madaling araw, habang nakikinig ako sa programang pang umaga ng DZRH, sa Programang pang OFW, isang panawagan tulong ang binasa ni Mini Seneres(relative of Ambassador Roy Seneres) galing sa sulat ng kapatid ng isang OFW.
Sumulat si Juliet Cauilan kapatid ng OFW na si Anthony Cauilan, nandito sa Qatar ngayon, sa Programa ni Mini Senerez. Anthony is a cleaner in Grand Regency Hotel. One day when Anthony suffers much pain during his duty, he sent for medical check up only until it was found out that he had a kidney malfunction. Today, Anthony suffers due to kidney failures. He cureently undergoes regular dialysis for his survival. Isang magandang bagay dahil kinargo ng kanyang employer ang mga gastusin sa pagpapadialysis.
Sa ngayon, Anthony's relatives already found kidney donor. Payag ang employer ni Anthony na kargohin ang lahat ng gastusin sa kidney transplant operation pati ang pagbyabyahe ng donor papunta pauwi sa atin. Subalit hanggan doon na lang ang tulong ng kanyang employer. Ang donor ay naghihingi ng PHP150,000.00 at maisasaayos na ang paguumpisa ng operasyon.
ang panawagan ni Mini Seneres - sa Pinas at sa mga tagapakinig sa Qatar, sa sinumang may ginintuang puso makikipagbigay alam na lang po at nang kahit sa kaunting tulong na maibibigay pag naipon po ay isang napakalaking bagay para sakatuparan ng kidney transplant operation ni Anthony...
mga kapwa Filexpatraites, pacencya kung kulang kulang ang ibang detalyes, mabilisan ko lang pinost eto ...