Buhay Ohh-Ef-DobolU

LupiN
By LupiN

Kapuso / Kapamilya

Aminin man natin o hindi mahirap talaga ang buhay OFW. Sumasahod man tayo ng medyo malaki nagmamahalan naman ang mga basic commodities, may hinuhulugang sasakyan, personal loan at di maiwasang credit card. Maswerte na lang siguro ang iba na di nararamdaman ang dami ng gastusin. Eh sino ba naman ang magtityaga dito para sa kapakanan ng pamilyang naiwan sa Pinas. Ka-chat mong asawa mo na pagkatapos mag- i luv u at i miss u ay inisa-isa na ang mga gastusin. Nag-txt ang kapatid mong nursing na pang-tuition at allowance naman ang sinasabi. Paano naman yung nagpaparamdam sayong one-and-only kailangan ding paghandaan ang simple pero magastos nyong kasalan.

Minsan iisipin mong sisihin ang mga magulang mo na ba’t ang dami-dami nyong magkakapatid na nung umalis ka ay wala man lang sumama sa kanila sa paghatid sayo sa airport pero ngayong andito kana feeling mo lagi parang All Saint’s Day sa dami ng nagpaparamdam pati mga pinsan mo naki-ride na rin. Diko si sangko nanghihiram ng konti panghulog daw sa motor nya, ‘tol pwede bang makasingit ng pang-ospital ng hipag mo kabuwanan na kasi, insan musta na medyo gipit lang ngayon baka may extra ka dyan binyag ni junior sa isang buwan kunin pala kitang ninong ha. Kapag di mo naman pinahiram aba magtatampo at minsan magtatanim pa ng galit nakarating lang daw ng Doha eh nagka-amnesia na kung di mo nga lang mga kamag-anak pagkasasarap ipakulam. Nung time ba na nag-aapply ka may nahihiraman ka ba ng pamasahe paluwas ng Maynila pag kinakapos ka at ng matangap ka at kinakailangan mo na pang-placement fee may nag-abot kamay ba sayo. Ano ba kayo hindi ako Bangko Sentral ha.

Sa trabaho at pagtulog pinas ang nasa isip mo at sa araw ng sweldo takbo ka agad sa ATM at souq para magpadala ng pera sa kanila at si bombay na madalas din magparamdam sayo na inutangan mo ng pang-placement ay pass muna sa babayaran dahil sakto lang at pangastos mo na lang ang natira at wala na namang savings kaya kahit sayong kontrata na taunan ang uwian ay nababalewala. Sa pag-uwi mo naman sa airport pa lang ay isang barangay na ang kumakaway sayo pati yata kapitbahay ay sumama na rin at tingin nila lahat sayo ay $. Pagdating sa bahay gastos pa rin ang iisipin mo handa rito handa roon kaya isang linggo pa lang naka-quarantine kana dahil ubos ng baon mo.

May mga oras na nakararamdam ka ng pagdu-duda sa tinig ng iyong ina sa kabilang linya na sinasabing naibili na niya si tatay mo ng bagong bentilador o radyo na mapaglilibangan, ang masayang boses ng iyong asawa na nagsasabing palaging nasa honor roll ang inyong mga anak at ang e-mail ng iyong kapatid na last semester na raw niya at magkakaroon kana raw ng nurse na kapatid. Di ba kaygagandang pakingan ng mga balitang nagpapatangal ng iyong pagod at nagpapasalamat ka’t may magandang pinatunguhan ang iyong mga pinapadala. Subalit paano kung salungat naman sa mga totoong pangyayari ang mga balita mong narinig. Paano kung wala palang naipundar sa mga pinapadala mo? Paano kung ang anak mo na grade 1 nung umalis ka ay grade 3 pa lang after 5 years na di ka umuuwi at ang iyong kapatid ay di pala makaka-graduate dahil nabuntis. Mas masakit siguro kung mabalitaan mong ang iyong asawa ay sumakabilang bahay at napabayaan ang inyong mga anak.

BF / GF

Bago ka umalis ng pinas binitawan mo sa kanya ang mga katagang “magtiwala ka… I love u”. After few months na walang patid na chatting at txting naging busy ka sa trabaho at nakaramdam ng selos ang syota mo. Sobra ka namang magselos di mo ba alam na sobrang lungkot ko na dito sa Doha ika nga ng mga pioneer dito mga kaluluwang gala ang matinding kalaban mo dito at iyon ay kalungkutan at homesick. Pero isang araw nagtapat ka sa kanya dahil nahuli nya mismo sa dila mo na tinawag mo siyang babe samantalang honey ang tawagan nyo. Sino yang babe na ‘yan ipinagpalit mo na ba ako, ang tanong nya sayo? Wag kang mag-alala ikaw naman ang pakakasalan ko nalulungkot lang ako talaga dito. Paano kung habang may #2 ka dito napilitan na ring gumawa ng di maganda ang syota mo at nakipag-date na rin sa kanyang ka-friendster o ka-facebook. Kanino ngayon ang sisi, sayo na nasaniban ng kaluluwang gala o sa syota mong nangangailangan din ng presence ng iyong pagmamahal sa di mo katauhan?

#2 / Kabit

Siyempre di kumpleto ang abroad kung walang multiple relationships sinu-sino ba ang character sa ganitong sitwasyon mga lalaking binata pag nasa abroad at mga babaeng single mother daw o hiwalay na sa asawa kaya naman pala nagtataka na ang iyong pamilya sa pinas kung bakit madalang ka ng tumawag di tulad ng dati halos ayaw mong putulin ang inyong pag-uusap pero ngayon tumawag ka man naninigaw ka pa at swerte ng umabot ng 5 minuto. Likas na yatang magkaka-amnesia ka at makakalimutan ang mga taong di mo laging nakikita o nakakausap lalo na kung may kinababaliwan ka ng iba. Dito sa Doha sa mahal ng upa sa bahay nagiging dahilan ito para magsama ang dalawang makasalanang pinagtagpo bakit pa nga naman kayo maghihiwalay ng kwarto kung pwede namang isa na lang ang babayaran di ba matipid may libre pang human blanket. Ang iba naman makakuha lang ng malaking housing allowance kung sino-sino na ang idedeklarang asawa. Haaay kawawa naman ang tunay na pamilyang nasa Pinas na umaasang may responsableng ulo at ilaw ng tahanan silang mapagkakatiwalaan. Katwiran ng ibang lalaki bakit ka pa uuwi kung dito naman may maiihian kang iba. Paano kung dumating ang araw ng lamay mo at may tatlong babae ang nagpapalakasan sa pag-iyak sayo malamang isa lang sa kanila ang magsasabing… ako legal wife.

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.