Babala sa Mga Babae!
Kagabi may kabayan po tayo na ayon sa kwento ng isa nating kababayan at ka-QLer member ang kanyang asawa ay kauuwi galing sa trabaho at dipa nakakababa pero nasa tapat na ng kanilang tinutuluyan sa Matar Kadeem, Ng bigla nalang daw nilapitan ng dalawang Patan at gustong buksan ang pintuan ng sasakyan niya kaya pinatakbo nalang ng mabilis ang sasakyan pero hinabol siya. Sa awa naman daw ng Diyos, naiwala niya yung mga humabol sa kaniya at nakauwi naman siya ng maluwalhati pero siyempre may trauma pa sa nangyari.
Kaya mga kabayan sana lagi kayong magla-lock ng pinto ng sasakyan pag nagda-drive at baka parang sa Manila narin dito na bigla nalang may magbubukas pag nahinto ka sa traffic.