Aral mula kay Inay at Itay

AMga mumunti ngunit ginintuang butil na aral na nakuha mula sa mga magulang.
1. Si Inay, nagturo ng “HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE”
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ng “RELIGION” kay Itay
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3.Kay Inay natuto ng “LOGIC”
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin natuto ng “MORE LOGIC”
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo kung ano ang ibig sabihin ng “IRONY”
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag kung ano ang “CONTORTIONISM”
”Tingnan mo nga yang dumi sa leeg mo, tingnan mo!!!!”
7. Si Itay ang nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “STAMINA”
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo kung ano ang “WEATHER”
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag ni Inay tungkol sa “CIRCLE OF LIFE”
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay natuto kung ano ang “BEHAVIOR MODIFICATION”
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng “GENETICS”
"Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag kung anong ibig sabihin ng “ENVY”
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo ng “ANTICIPATION”
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng “RECEIVING”
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo kung ano ang “HUMOR”
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan kay Inay at Itay kung ano ang “JUSTICE”
"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"